Chapter 8
Bianca's POV
" Hayyy! Nakakagutom! Uy! Tara, bili tayong pagkaen! " aya ko sakanila habang nagstretching.
" Eh! Nakakatamad bumaba! Tska, hindi ko pa rin perfect to oh! " sabi ni Faye
" Ako rin! Bui, pabili nalang oh! Hashbrown, cheese flavor. " Caryl, sabay abot ng pera.
" So, ganun? Ako lang mag-isa? " tanong ko sakanila ng nakaangat ang isang kilay, pero sila nakatingin ng parang nagpapaawa effect... " Tsss.. Sige na nga. Ikaw, Anne? " baling ko kay Anne na naglalaro sa iPad ni Caryl.
" Pabili nalang ako ng water, bayaran kita maya. " habang hindi inaalis ang tingin sa nilalaro. Bayun, lagi nalang seryoso. -_-
Sabi ko nga, ako nalang mag-isa.
Pumunta ako sa canteen para bumili ng pagkaen, gutom na gutom na talaga ako. Nakakapagod din kayang magkumanta, lalo na kapag paulit-ulit.
Ang daming students! -_- Ay, Bayaran pala ng tuition ngayon. Buti nalang talaga’t bayad na ko. -_- Ang dami namang nakabreak na students dito ngayon. -_-
Nakabili na ko ng tubig ni Anne at ng kakainin ko. Nandito ako ngayon sa binibilan namin lagi ng fries, kilalang kilala na rin kami ng nagtitinda dito.
" Cheese ba? " tanung ni Ate sakin.
" Opo. " ngiti ko sakanya, tska siya naglagay ng flavoring sa hashbrown.
" Kanina si Shaun bumili dito ah, may kasamang babae. Mukang nililigawan ata? " sabay abot sakin ni Ate ng hashbrown, napangiwi ako.
" Psh. Hayaan mo siya ate. Malaki na yun. " sabay abot sakanya ng bayad ko.
" Akala ko nga kayo eh. " napatingin ako kay Ate at napangiti ng pilit.
" Magkaibigan lang po kami, Ate. Sige po, alis na po ako. Salamat, Ate!" Ngumiti si Ate sa akin atsaka umalis.
Hindi ko alam kung bakit biglang parang gumaan ang pakiramdam ko at the same time Hindi ko alam kung bakit parang bigla akong nawalan ng gana. -_- Napabuntong hininga nalang ako habang naglalakad dala dala yung mga binili ko. Makapunta na nga lang sa garden.
Naglalakad akong pumunta ng garden, ang sarap ng hangin ngayon!
Dinadamdam ko ang kada lakad ko. Ang garden kasi dito sa school, eh sa likod. Walang tao. Tapos, ang linis pa. Mukang inaalagaan talaga. Ang daming bulaklak, puno at yung grass! Pwede kabg humiga doon.
Makatambay nga muna.
Teka, Hahanap muna ako ng magandang pwesto!
Sa laki ng Garden, hindi ko alam kung saan ako pupwesto yung talagang maganda. Kaya naglakad-lakad ako ng kaunti, para makahanapng magandang pwesto, yung may puno, para masandalan ko at para malilim na rin.
" Pwede bang manligaw? "
Ay! May tao pala! Nagliligawan pa ah! Taray! Lovers Park na ba to?
Teka… Parang pamilyar yun ah? Napalingon ako at hinanap kung saan nanggaling yung boses nayun.
" Oo! Oo, Shaun! " Shaun?
Nang papalapit na ang narinig kong boses, pumwesto ako sa isang puno para magtago. Kasunod lang din nitong punong tinatguan ko yung nagliligawan. Hindi ko pa rin Makita kung sino yung nag-uusap. Kasi hindi ko pa nadadaanan at nakikita. -_-
BINABASA MO ANG
Explanation of Love
RomanceLahat tayo. May kanya kanyang explanation kung ano ang love. Kung ano ang rason mo kung bakit ka nagmamahal. Ako, simula't huli. Ako lang ang nagmahal. Lalo na sa kababata ko pa. As in super close ba kami. Ang paraan ko para ipahayag sakanyang mahal...