Chapter 2
“ Anung number mo? “ nakangiti niyang sabi habang inaabot ang cellphone niya.
“ Ha? “ Napataas ang dalawa kong kilay sa tanong niya.
“ Sabi ko anung number mo? “
“ A-ahem.. “ Nagulat ako sa babaeng biglang tumabi sakin, kaya nahampas ko siya ng wala sa oras. “ Ateng, 5 minutes nalang before mag 7. Tara na. “ Hihilahin na sana niya ko ng magsalita ang lalaking nasa harapan ko.
“ Uhm, Ate. Sorry sa abala, pero may tinatanong lang ako sakanya eh. “ Napatingin nalang ako kay kuyang nakisabay sakin sa pagbili ng ticket ng nakasimangot, pero etong isa naman napatitig lang sakanya, kulang nalang may kuminang talaga para mas feel niyo.
“ A-ah! Ganun ba? “ Bigla siyang dumirecho ng tayo at ngumiti sakanya ng hanggang tenga, “ Sige, take your time! “
“ Anong take your time? Kuya Ticket. Wala akong cellphone, hindi ko kayang bumili nun kaya sige na, Diba kelangan mo na ring magmadali? Sige na. Bye na, Kuya! “ Saka ko hinila tong babaeng tulala pa rin.
“ Uy, Wait lang! Tatanungin ko lang pangalan ni Kuya Cute. Ay! Kuyaa!! “ Sigaw niya habang hinihila ko siya papasok ng campus, pinagtitinginan na kami ng ibang estudyanteng papasok, Jusme. Malalate na kami.
“ Dalian mo! Malalate na tayo sa Prof natin! “ Sabi ko sakanya, habang paakyat na ng building namin.
“ Teka, anung dahilan yun? Hindi mo kaya bumili ng cellphone? Eh mukang nakita niyang kausap mo ko? Tapos iphone pa cellphone mo? Sasabihin mong hindi mo kayang bumili ng cellphone? Tsss. “ umirap siya tapos ngumiti ulit. “ Ateng! Ang pogi nuun! “ sabi ni Caryl habang kinikilig paakyat.
“ Magtigil ka! Teka! Ayun na si Mam! Tara na! “ Hinila ko siya patakbo, nasa floor na kami ng assigned room namin ngayon, at buti nalang naunahan namin ng konti ang prof namin sa pagpasok, kaya umupo agad kami sa tabi ng mga kaibigan naming nagaantay rin samin kanina pa.
“ O, teh? Anung nangyare sainyo? Bakit nalate kayo ngayon? “ Bulong sakin ni Faye galing sa kanan ko. Isa sa kaclose ko na blockmate ko. Simula 1st year college sila na kasama ko, 4 kami. Ako, Si Caryl, si Faye at si Anne.
SiCaryl Hugo, galing siya sa batangas city, kaya nagdo-dorm siya, Engineer ang tatay niya sa Qatar, Nanay niya ay parang si Mama,pero sakanila naman ay bentahan ng Bicycle at gumagawa rin sila. Magkasingtangkad lang kami, kaya kami ang madalas magkasundo sa bagay bagay na mababaw, pero syempre, mas payat siya sakin at singkitan ang mga mata, dating gymnast at ballet dancer siya, tumira silang pamilya sa Qatar nung nagsimula siya sa gradeschool, bumalik lang sila dito nug naghigh school ang ate niya.
Si Faye Abesamis naman, siya lang ang may lovelife samin, ang boyfriend niya minsan nasa spain. simula high school sila na. Sa kabilang school nag-aaral boyfriend niya. Siya ang salutatorian sakanila nun. Mabaet at siya ang pinakabata saming apat, pero siya ang pinakamature ang utak.. Well, sabihin na nating ganun na nga, pero may pagkachildish din naman. Baby face siya at medyo magkasingtangkad sila ni Anne, si Anne kasi, 5’8” ang height siguro mga 5’4” tong si Faye. Engineer ang Daddy niya sa DSWD at ang Mom niya, ay may-ari ng sariling School, kaso hanggang High School lang daw sila. Doon din siya naghigh-School.
At syempre, Si Anne Del Mundo, Siya ang Beauty and Brains saming barkada. Mukang anime din, maiksi ang buhok, mala hmmm…. Mala-Bob cut ang buhok. Matangkad, Sexy, Maganda. Odiba. Package! Valedictorian sa school nila noong high school. Sana ako rin. -_- Engineer din ang Daddy niya, pero ang Mommy naman niya ay Dentist, may sarili siyang clinic malapit sakanila. Pareparehas kaming Engineer ang tatay, pero si Papa at ang Tatay ni Caryl, sa ibang bansa nagtatrabaho.
BINABASA MO ANG
Explanation of Love
RomantizmLahat tayo. May kanya kanyang explanation kung ano ang love. Kung ano ang rason mo kung bakit ka nagmamahal. Ako, simula't huli. Ako lang ang nagmahal. Lalo na sa kababata ko pa. As in super close ba kami. Ang paraan ko para ipahayag sakanyang mahal...