Chapter 19

62 1 1
                                    

Ang date ng storyang eto ay 2013 pa rin at pasko palang. So, pagpasensyahan muna. <3

Chapter 19

Pumasok na ko sa kwarto ko at pagkasarado ko ng pinto. Dumiretso agad ako ng higa sa kama ko at kinuha ko ang teddy bear na binigay sakin ni tita Tonya kanina.

Pagkatapos sabihin ni Shaun yung tungkol sakanila. Pumasok agad ako ng bahay, ginawa ko pa ngang dahilan na nasa bahay si Axel eh. Buti na nga lang at umuwi na agad si Axel pagkatapos kong makipag-usap kay Shaun.

Nakatingin lang ako sa sahig ng kwarto ko tapos napalingon ako sa bedside table ko at may nakitang nakatiklop na dalawang papel. Kaya napaupo ako sa kama ko . Inabot ko yung isang papel na may nakasulat at binuksan ito para basahin.

“ Alam kong malungkot ka dahil sa nalaman mo. Pero wag kang mag-alala. Nandito lang ako lagi para sayo. – Axel the great.”

Alam na niya pala? Napangiti ako sa sinulat niya. Aba’t talagang may ‘the great’ pa. Kinuha ko yung isang origami na bulaklak. Kulay orange ang papel na ginamit niya at ginaya niya rin yung palatandaan ko tuwing gumagawa ako ng origami. Lagi ko kasing nilalagyan ng maliit na punit sa tagong parte ng papel para malaman nilang ako ang gumawa nun.

Inilapag ko nalang ulit ang dalawang papel sa bedside table. Napansin ko, may picture nga pala kami ni Shaun sa dingding, sa taas ng bedside table ko. Nung nagbirthday ako noong high school, nasa garden kami nito. Magkaakbay kami at puno ng icing ang muka namin.

Nalungkot lang ako bigla nung nakita ko to. Napangiti ako ng malungkot at hindi ko mapigilan ang init na nararamdaman ko sa mga mata ko.

Humiga nalang ako ulit at niyakap ang teddy bear. Sabi ko hindi ko na siya gugustuhin eh. Pero, hindi ko mapigilan na magustuhan siya lalo eh. Lalo na kung yung gusto na talagang yun eh, naging mahal na. Mahal na mahal. Lalo lang humihirap. Lalo lang nagiging pabigat sa dibdib.

Tumulo na ng tuluyan ang mga luhang kanina pang gustong lumabas sa aking mga mata.

Siguro mga isang oras at kalahati na kong umiiyak ng medyo nahimasmasan na ko. Buti nalang at tulog na sila Mama, kundi kakatukin ako ng mga yun at kukwestyunin.

Bukas makikita ko ulit si Shaira. Kasi kaklase ko siya sa isang subject namin. Hindi ko alam ang gagawin ko…

------------------------------------------------------------------------

Nakatingin lang ako sa sahig habang kung anu-ano ang pumapasok sa utak ko.

*BUZZZZ!!*

Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko sa ilalim ng unan ko, nang kunin ko nakita kong naga-alarm na pala. 4:00 na ng umaga. Hindi pa pala ako nakakatulog? Ganun ba ako naapektuhan sa nangyari?

Tinatamad pa kong bumangon pero kailangan, bawal umabsent. Kasi, ngayon sasabihin ng iba naming professor kung anung gagawin namin sa  exam kada subject. Pero ang alam ko naman karamihan puro written, isa lang ata ang practical. Music lang naman, pero kailangan namin magpractice ni Axel.

Bumangon na ko at pumunta na ng banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo nagbihis agad ako at bumaba na para mag-almusal. Pero parang wala akong gana. Huhu! Gising na sila Ate at Manang. Si Mama tulog pa kasi mamaya pa siya papasok sa opisina.

Dahil wala akong gana, dumiretso nalang ako sa sofa para isandal ang ulo kong mabigat kahit basa pa buhok ko, sinandal ko nalang.

Fats, I’m so sorry. Nawalan ako ng gana kumaen. Konting tiis lang, lalakas ulit ako kumaen para sainyo.

Explanation of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon