Chapter 29

38 1 0
                                    

 

Chapter 29

 

“ Suot mo to.” May inaabot siya saking bandana kaya inabot ko ito.

“ Aanhin ko to?”

“ Dilaan mo. “ napa-angat ang kilay ko sa tono ng boses niyang sarkastiko, “ Joke! Piring mo sa mata mo.”

“ Ano na namang kalokohan to?”

“ Dali na! Para makasakay na tayo sa elevator.” Utos niya, kaya ginawa ko naman. Nakatapat lang kasi kami sa elevator eh.

Pagkalagay ko, inalalayan niya lang akong sumakay ng elevator.

Nasa isang building kami sa Makati, pero hindi ko alam kung anung pangalan nung building. Di ko napansin eh, ngayon lang din ako napadpad dito.

“ San ba tayo pupunta? “

Naririnig ko lang na medyo tumatawa siya, pero hindi ko nalang pinansin. Ganda ng sagot niyang tawa eh. -_-

Ilang minuto rin siguro kaming nag-antay sa loob ng elevator. Ang taas naman nitong building na to!

*ting!*

 “ San ba to? “ naramdaman kong inaalalayan niya kong maglakad. Teka, bakit lumamig na?

“ Game! Tanggalin mo na. “ tinanggal ko ang piring at medyo napapikit-pikit pa ko ng konti dahil medyo lumabo ang paningin ko.

“ Oh, ano?” Nang maayos na ang paningin ko , napatulala ako sa nakita kong view.

“ Shit ka! Ang ganda dito! “

“ Oh, diba? Namura pa ko.  “ pumatong siya sa railings at saka tumingin sakin. “ Ayos ba ko?”

“ Galing mo bebs! “ sinuntok ko siya ng mahina atsaka lumapit sa may railings.  “ Pano mo nalaman tong lugar na to?”

“ Pumupunta ako dito minsan kapag nagkakaayaan kami nila Charles. “

“ Shit talaga! Ang ganda ng view. Kitang kita ata dito buong Makati eh. Teka.. Nasan ba tayo?”

“ 71 Gramercy. “

“ Ano tong lugar na to? Restaurant?”

“ Club to. Pero hmm.. pwede na ring resto. “ ngumiti siya sakin at saka binaling ang sarili sa tanawin.

Ang ganda kasi! Kitang-kita ang buong Makati, ang taas ng building! teka.. Hindi lang ata Makati ang kita dito eh. Pero ang ganda dahil ang daming ilaw! Nakakabighani! Ang sarap din ng hangin, ang lamig. Haha! Pero, kami lang dalawa dito. Exclusive lang ba tong Club na to? Pano ba to napapadpad dito?

“ Alam mo ba pinareserve ko talaga to para sayo no. ” tumalikod na siya atsaka naghumalukipkip at sumandal, kaya ginaya ko rin siya.

“ Bakit naman? Sa January pa naman birthday ko eh. “

“ Yun nga eh, kasi hindi ako makakasipot sa 18th birthday mo. “ napasimangot ako sa sinabi niya.

Hindi ko alam kung bakit, pero bigla ko nalang siyang pinagsusuntok at pinaghinampas-hampas sa braso niya.

“ Teka-teka! “ sinusubukan niyang harangan ang mga suntok at hampas ko sakanya, “ Bebs naman eh! Mage-explain ako!” tumigil na ko sa pinagkakagawa ko atsaka hinarap siya ng maayos.

Explanation of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon