Chapter 21

42 1 0
                                    

Chapter 21

Bianca’s POV

“ Hi guys!”

“ Hi.” Bati ni faye. Ngumiti muna ako para mapakita ang normal ko tuwing nakikita siya saka ako tumalikod para batiin siya.

“ Hi Shai-“ biglang nawala ang ngiting hinanda ko para sakanya ng may napansin akong pamilyar na kulay pink sa may kamay niya. “ San mo nakuha yang bracelet mo?”

“ Ah eto” hinawakan niya at saka umupo sa tapat kong upuan “ Bigay ni Shaun. Kami na kasi eh.” patago kong tinanggal yung bracelet sa wrist ko at saka inilagay sa bulsa ng palda ko.

“ Ah. Ha-ha! Nakwento nga niya sakin. Ha-ha! Congrats nga pala!” ngiti ko sakanya at ngumiti rin siya sakin.

“ Thanks!”

Naiinis ako. Hindi ko alam kung tatanga-tanga ba siya o ano? Alam naman niyang galing sakin yun tapos ibibgay niya agad sakanya? Diba dapat alam niya agad na para sa aming dalawa lang yun? Friendship bracelet nga diba? Lalo lang nasisira ang araw ko!

Friendship…

Tss.. Takteng friendship yan! -_-

Naramdaman kong may tatlong nakatingin sakin sa kanan ko kaya napatingin ako sa gawi nila at hindi nga ako nagkamali, ngumiti ako sakanila at sumegue, . “ Ano? He-he. Uy! Andyan na si Sir.” Saka ako humarap sa board para magklase.

Buong klase akong lutang. Kung anu-ano ang mga pumapasok sa isip ko. Ang naintindihan ko lang sa mga klase ko ay sa Friday ang exam namin sa lahat ng subject namin ngayon.

*Briiiiiing…

“ Okay, Class. See you on Friday. Magreview kayo ah!”

“ Yes, Ma’am.” Sagot ng lahat at saka ako napatingin sa professor namin na palabas na. Last subject na pala agad. Di ko na napansin. -_-  Hindi kasi kami lumilipat ng room kada last three subjects namin every Wednesday. Grabe namang pagkalutang ko. Aanga-anga rin ako eh.

“ anong nangyare?” napatingin ako sa nagtanong sakin sa gilid ko, si Anne. Nakatingin lang silang tatlo sa akin, pero wala ako sa wisyo sumagot sa tanong nila.

“ Bukas ko nalang, kwento. Bye.” Bumeso lang ako sakanila at saka nagmadaling lumabas ng classroom.

Ayokong makita si Shaun ngayon, naiinis lang ako. Sumobra na sa pagkamanhid eh. -_-

Bakit ba may mga ganung tao? Hindi ko alam kung nagmamanhid-manhidan o sadyang manhid na silang ipinanganak? -_-

Habang naglalakad ako, naaninag ko ang isang lalaking pamilyar sakin. Pinapaligiran siya ng mga babae at nakita kong papalapit siya sakin.

“ Hi, Ms. Baser.” Wala akong panahon para makipaglokohan sayo Chris. Bahala ka na dyan sa buhay mo. Kaya nagtuloy-tuloy lang akong naglakad papuntang gate.

Pati sila manong guard nagulat kasi hindi ko sila pinansin nung nakalagpas na ko sa gate ng school.

“ Bianca.” Kilala ko kung sino ang tumawag kaya lumingon ako at medyo gumaan din ang pakiramdam ko, pero nagulat ako ng may iba pa siyang mga kasama.

“ Bakit kasama mo tong mga to?” tukoy ko sa tatlong kasama niya.

“ Baka kaibigan din kami ni Axel?” taas kilay na sagot sakin ni James.

Explanation of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon