Chapter 23
Anne’s POV
Nag-aantay lang ako ng tawag sa amin. Kaming dalawa ni Caryl ang magkatabi, yung partner kasi namin magkaibigan kaya nag-uusap sa isang sulok. -_-
“ Ang pogi ni Chris Rodriguez.” Kilig na sabi ng katabi ko. Wengya tong babaeng to. Kelan ba to titigil sa kakatingin sa mga lalaki.
Naramdaman ko ang vibrate ng cellphone ko. Shit!
From: Duran
See you later. Yung usapan nating date. I’m going to watch your performance, I’ll be waiting for you.
“ Uy uy! Sinong katext?” napalingon ako kay Caryl at nakita kong nakangiti.
“ Wala.” Tinago ko na ang cellphone ko sa bag.
“ Sige. Sabi mo eh.” Habang naglalagay ng foundation sa muka niya.
Shit. Yung usapang date pala. Bakit ba kasi ako pumayag? -_-
*Flashback
Naglalakad na ko palabas ng school. Inaayos ko ang laman ng bag ko habang naglalakad, kasi naramdaman kong natumba yung Ube jam na dala-dala ko.
“ Aray!” naramdaman ko nalang na may matigas akong nasangga, pagkatingin ko si Charles lang pala.
“Ano na naman kailangan mo?” napalinga-linga ako sa paligid. Mamaya pagtinginan na naman ako ng mga babae niya dito. “ Mamaya may makakita satin.” Kaya bigla niya kong hinila sa may tagong lugar.
“ Ano ba kasing kailangan mo?”
“ Bakit ba pagdating sayo hirap na hirap ako?”
“ Pinagsasabi mo? Tantanan mo nga ako, Charles!” aalis na sana ako kaso hinawakan niya ang kamay ko para pigilan at saka ako napasandal sa pader. Gago to ah? Ang sakit nun ah!
“ Sorry. “
“ Ano na naman ba kasi yun? “
“ Bakit ba hindi mo ko magustuhan?”
“ Kasi, hindi kita gusto.” Madali lang naman sagutin yun ah? -_-
“ Ano ba kasi ginawa ko sayo? May kasalanan ba ako sayo? Kaya hindi mo ko nagugustuhan?” natahimik ako sa sinabi niya. Kalimutan ba?
“ Wala. “
“ Isang date.”
“ Ha?”
“ Isang date lang. Kapag nainis ka o kaya hindi ka nagenjoy, tatantanan na kita.”
*End of Flashback
Isang date lang naman. Para namang hindi mga lalaki ang kasama ko sa bahay. Kaya pumayag ako.
“ Caryl.”
“ Yep?” naglalagay na siya ng lipstick. Kelan ba titigil to kakaayos?
“ Paano ba makipagdate?” binaba niya agad yung hawak niya atsaka lumingon sakin.
BINABASA MO ANG
Explanation of Love
RomanceLahat tayo. May kanya kanyang explanation kung ano ang love. Kung ano ang rason mo kung bakit ka nagmamahal. Ako, simula't huli. Ako lang ang nagmahal. Lalo na sa kababata ko pa. As in super close ba kami. Ang paraan ko para ipahayag sakanyang mahal...