Chapter 30

43 1 2
                                    

Chapter 30

 

“ S-sorry.”

Natulak ko siya ng hindi oras.

Para akong istatwa na nakatayo at nakatingin lang sakanya.

“ Uy, Sorry.”

Hindi ko na alam ang gagawin ko hanggang ngayon nakatingin pa rin ako sakanya. Kelangan kong may gawin! Ano? Tatanga nalang ba ko dito? Pelikula lang ang peg ko?

“ Uy-“

“ JOKE! To naman! Hahaha! Sige na! Papasok na ko ah! Mamaya masipa na ko ni mama eh. Kanina pa ko hinahanap. Haha! Sige na. Bye! Thank you sa kanina!” pumasok agad ako ng gate at agad na sinara.

Ayokong magkaroon ng ilangan samin. Ngayon lang nangyari samin to, kaya ayokong mangyari ulit ang magkaroon ng gap samin.

Katulad nung nakaraan.

Pumasok ako ng bahay at pagkapasok ko…. May lalaking nakaupo sa coach at  nakamaskara pa siya kaya hindi ko makilala, nakabukas pa ang TV.

Ang bahay kasi, pagpasok mo, nandun agad ang coach at Tv at sa right side ang hagdan.

UFC? Wrestling? Ang nanunuod lang naman samin ng ganyan, ako, si Papa..

“ Kuya?”

Tinanggal niya ang maskara niya… “ Sabi ko na nga ba’t korni ang pagsusuot ng maskara eh. Tsk.” Nagkamot siya ng ulo at nakasimangot. Ako naman unti-unting umaangat ang mga labi. “ Ngini-ngiti mo dyan?”

“ KUYAAA!!” tumakbo ako palapit sakanya atsaka niyakap habang nakaupo.

“ OA mong maghug! Ano kelangan ganun talaga? “

“ Namiss kita eh! Akala ko pa naman hindi ka makakauwi ngayon! Leche ka! Kelan ka pa umuwi?”

“ Secret. Surprise to. ”

“ Korni mo! Bahala ka dyan! Sila mama?” tumayo ako.

“ Umalis. “

Napa-angat ang kilay ko sa sinabi ni kuya. “ Teka? Umalis? Anung oras na oh? “

“ 12:45” sumandal siya atsaka kinuha yung remote para ilipat. Parang may kakaiba sakanya? Talagang sinagot pa ang tanong kong hindi naman talaga tanong. -_-

“ Pumuti ka.”

“ Pumayat ka.”

“ Wala akong pera!” Irap ko sakanya. “ Pero kuya!”

“ Ano?”

“ Penge pera!”

“ Psh. Oh! “ Napangiti ako at lumapit sakanya para abutin yung binibigay niya.

“ YES! 100 dollars! Thanks kuya! Nagjojoke lang ako eh.” kiniss ko siya pero muka siyang nandiri. Arte neto!

*Beep beep

“ Uy! Sila na ata yan?”

“ Ako na.” napalingon ako sa nagsalita na si Manang.

Explanation of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon