Chapter 26

36 1 0
                                    

 

 

Chapter 26

 

 

Bianca’s POV

 

( Diba sabi ni ate Tina, magEK ‘daw tayo? Anyare sa EK niya? )

“ Aba mala’y ‘ko. Pero alam ‘ko magbabakasyon ‘rin siya this week. “ habang nagco-compile ng mga papers ko ngayong term. Nakakalat kasi eh napapagalitan na’ko ni Mama.

( Jusme! Bui! Isang linggo na rin ang bakasyon oh! Tapos na pasko! Sabihin mo kay Ate Tina dalii!)

“ Caryl! Makaano naman to!” ang sakit kasi sa tenga eh, medyo pasigaw na siya sa telepono.

( Ano? Maka-ano? ) magsasalita palang sana ako ng Makita ko ang HG audition form.

“ Wala. Sige na sabihin ko nalang kay ate. “

( Sige ah! Jusme! Malapit lang naman kami! Hihi! Basta! Tawagan mo ko agad!  At gusto ko na talagang ipakita sainyo ang new haircolor ko! Hihi! O sige! Wag mo ko masyadong mamiss!) Ayan na naman ang famous line ni Caryl. -_-

Isang linggo na rin simula ng magbakasyon. Wala naman masyadong nangyari. Nagcelebrate lang kami ng pasko sa bahay ng mga lola ko.. Ganun ba..

Si Caryl, nagpakulay daw siya ng buhok kaya gusto na niyang ipagmalaki sa amin.

Si Faye, hindi pa rin siya tinatantanan ni James. Kasi nililigawan na siya. Hihi! Pumayag na rin si Faye, wala naman daw kasi masamang subukan.

 Si Anne, bago magbakasyon, napili siya ng adviser namin maging candidate ng Ms. Hallington pero ayaw niya. Kasi ang Pageant ng school eh, every midterms or after ng Christmas vacation. Kaya ayun, namimili na ng mga candidate kada course.

Si Axel, ayun laging tambay dito sa bahay. Minsan naman sumasama samin sa pag-Gym ni Ate Geneve at Ate Tina, gusto ngang sumama samin ni Chris dahil kay Ate eh, pero natatapat na may shooting siya. At minsan gumagala din kami ni Axel.

Hiniwalay ko ang HG audition form sa mga paper works ko, nilagay ba sa kama. Lagi akong kino-contact ng representative, minsan nga pati ang CEO ng company nagsesend ng E-mail. Ang taray naman ng life ko! -_-

“ BIANCA!” biglang bukas ang pinto ko dahil kay Ate.

“ Ano?!” nakasimangot kong sagot habang inilalagay na ang mga papers sa ilalim ng kama ko. Doon ko kasi tinatago eh. May isang box ban g mga papel atsaka isusoksok sa ilalim ng kama.

“ EK tayo!”

“ Hindi na nga natuloy nung dati eh.”

Umupo siya sa kama ko at may kinuha siya doon, to be exact binabasa na niya ngayon. “ Kaya nga ngayon eh, ituloy na natin.”

“ Buti nasabi mo yan. Tinatanong na kasi ako ni Caryl! Pinilipit akong tanungin ka kung tuloy pa raw ba!” tumabi na ko sakanya at kinuha yung form na binabasa niya atsaka nilagay sa drawer ng side table.

“ Oh! Yun! Dali! Malapit lang naman siya doon eh. Batangas naman yun, pahatid nalang siya. Ako ng bahala kela Faye at Anne. “ tumango bilang sagot at humiga sa kama. “ Nasagutan mo na pala yung form eh. Bakit hindi mo ipasa?”

Explanation of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon