Chapter 18
( Imaginine niyo nalang. Kayo ang bida. :”> Para mas feel ang pagbabasa. Hihi! <3 Thank you po sainyo!)
“ Oh, yan naman pala eh. Nasagutan mo na agad.” Pinasagutan ko kasi sakanya lahat ng pinaSeatwork ni Ma’am samin, pero sakanya Assignment. Ang galing! Wala pang 10 minutes tapos niya agad yung limang mahabang questions.
“ Ganun talaga. Magaling ako eh.” Sabi niya habang nilagay niya yung dalawang kamay niya sa may batok niya, tapos yung paa niya nakapatong sa may coffee table namin. Nandito kami sa sala. Mas maganda kasi ditong mag-aral, nakakatuwa lang. Ang liwanag kasi. Modern na modern ang style. Hihi! (Imaginine niyo nalang. :3 )
Tsk. Teka… Wala man lang hiya tong lalaking to. Porket artista!
“ Hindi pa ba kayo tapos dyan?” Sigaw ni Axel galing sa kusina habang nanunuod ng tv. Sumama kasi siya samin eh, ayaw pa daw kasi niyang umuwi. Kaya ayun, nakikikaen samin. Ang lakas pa ng volume ng tv. -_-
“ Hindi pa. Umuwi ka na nga! Wala ka naman importanteng gagawin dito.” Pagtaboy ko sakanya habang gumagawa ng problem about sa Chi-Square. Kasi naman. Exams na, tapos magpapa-quiz pa on the same day si ma’am, hindi na nagpatawad. -_-
“ Yoko.” Sigaw niya.
“ Edi, manahimik ka dyan!” ginagawa ba namang tambayan ang bahay namin. -_- Sarap kasing magluto ni Manang eh. -_- Kaya mapapatambay ka talaga dito ng hindi oras. Lalo na kapag gutom ka.
“ Lagi bang nandito sainyo yan?” tanong sakin ni Chris habang nakatingin sa kisame. Walangyang to! Major turn off na talaga ako sa pag-uugali niya! Kanina ba naman habang papunta kami dito. Kung anu-ano ang pinagyayabang tungkol sa sarili niya. Lagi daw siyang pinagkakaguluhan, laging naghahabol sakanya ang sponsors bla bla. Aanhin ko naman yun?
“ Hindi naman. Sadyang bwisita lang yan.” Natapos ko na yung questions atsaka inabot sakanya. “ Oh, Ayan. Tuturuan naman kita about sa Chi-Squares. Familiar ka na ba about dito?” bigla niyang pinikit ang mga mata niya. Anak ng!
“ Hindi pa. Pwede bang mamaya nalang? Nakakatamad na eh. O kaya, wag nalang. Sasabihin ko nalang kay Ma’am na tinuruan mo ko.”
“ Ano? Umayos ka nga! Kahit sabihin mo kay Ma’am na tinuruan kita, baka hindi maniwala yun! Paano kapag may tinanong siya sayo? Okaya magbigay siya ng problem tapos hindi mo alam kung paano sagutan? Masisira reputasyon k okay Ma’am!” Nagkibit balikat lang siya. Nakakainis! Napatingin ako sa orasan. 7:45 na pala. Himala! Hindi pa ko nakakaramdam ng gutom?
*beep beep*
Ay! Nandiyan na si Ate! Nakita kong biglang lumabas si manang galing kusina para pagbuksan ng gate si Ate. Ganitong oras kasi umuuwi si ate galing trabaho.
“Sino yun?” tanong niya ng nakadilat na ang mga mata.
“ Ate ko. Dali na! Turuan na kita! Mamaya maabutan ka pa ng nanay ko dito, magpapicture pa yun sayo!” Ay Shems! May nakalimutan ako! Si Ate rin pala!
“ Ayos lang. Sanay naman ako sa ganun eh.” Aba! Edi ikaw na!
Nakakainis naman tong isang to! Nagsasayang na naman ako ng oras dahil sakanya.
Maya maya nakarinig ako ng pagbukas ng pinto.
“ Bianca. May pinapabigay sayo si Tita Tonya.” Eh? Feeling ko Teddy bear ibibigay sakin ni Tita Tonya. Ay si Tita Tonya, Mommy ni Shaun. Hehe…
BINABASA MO ANG
Explanation of Love
RomanceLahat tayo. May kanya kanyang explanation kung ano ang love. Kung ano ang rason mo kung bakit ka nagmamahal. Ako, simula't huli. Ako lang ang nagmahal. Lalo na sa kababata ko pa. As in super close ba kami. Ang paraan ko para ipahayag sakanyang mahal...