Chapter 22.2
Bianca’s POV
“ Hindi mo naman kailangang gawin to eh. “
“ Eto naman talaga ang gusto ko eh. Sa ayaw at sa gusto mo. Gagawin ko ang gusto ko. Kaya please, hayaan mo nalang akong gawin to. “
Napatingin ako sa mga bulaklak na binigay niya, “ Tsk. Tingin ko ginagawa mo lang to kasi naawa ka lang sakin eh.”
“ Hindi naman eh. Yun naman talaga ang nararamdaman ko. “
“ Teka teka. Ang drama na. Malalate na tayo. Tara na.” pinagbuksan niya ko ng pintuan ng sasakyan niya at saka pumasok. Bago siya pumasok nakita kong may tinignan muna siya sa likod at pagkalingon ko, ano namang meron dun?
Nakita kong pumasok siya ng sasakyan habang nakasimangot, “ Anung tinitignan mo dun?”
Ngumiti siya sakin at sinabing “ Ah, wala. Tara.”tumango ako bilang sagot.
----------------------------------------
“ Shit! “ napatingin siya sa suot niyang relo, “ Bianca, Una na ko ah. Late na ko. Bye!” kumaripas na siya ng takbo kasi lagpas 9 na. Eh, kasi naman. Nagprisinta pang gusto niya kong sabayan pumasok, pwede naman siyang mauna,eh 9 pala ang pasok niya.
Naglakad nalang ako papuntang classroom. Teka, may mga naalala pa ba ako sa mga inaral ko noon? Ilang subject lang ba meron kami ngayon?
Binalandra ko ang mga kamay ko at nagsimulang magbilang ng subjects, “ Filipino, Theology, Hum-Aray!” Grabe naman makabangga to! Sakit ah! Humarap yung nakabangga sa akin.
“ Oops. Sorry” Nakangisi siyang nakatingin sakin atsaka umalis. “ O-okay lang.” sagot ko sakanya.
Parang ibang aura ang nararamdaman ko sakanya ngayon.
Simula nung naging sila ni Shaun, parang nag-iba na ang pakikitungo niya sa amin. Heh. Yaan mo na siya.
Pumasok na ko sa klase ko at ang nakita ko lang si Faye. Aga naman ata ne’to? 9:20 palang ah? Usually dumadating to mga 10 minutes before magtime.
Bago ako tumabi kay Faye, tinext ko muna sila Caryl at Anne na nasa room na ko at kasama ko na si Faye.
Umupo ako sa tabi niya, pero mukang wala pa rin siyang paki-alam.
*poke poke*
Ay? Wala pa rin. Baka natutulog, mamaya na nga lang. Kinuha ko muna yung humanities book ko para magbasa ng kaunti.
Habang sa kalagitnaan ng pagbabasa ko, unti-unti ng dumadating ang mga kaklase ko at hindi rin nagtagal, sabay ng dumating si Caryl at Anne.
“ Anyare dyan?” paupong tanong ni Caryl tukoy kay Faye.
“ Hindi ko alam eh. Pagkarating ko, ganyan na.”
“ Faye.” Napatingin kami sa lalaking biglang sumulpot.
“ James? Anung ginagawa mo dito?” tanong ko sakanya. Teka, mamaya sabihin niya yung tungkol kagabi.
“ Wala. Bigay mo nalang sakanya to.” Saka siya may inabot na panyo, kaya napataas ako ng kilay. Aanhin naman to ni Faye? “ Maya tayo mag-usap.” Saka siya lumabas ng room ng nakapamulsa.
“ Faye. Andyan na si Ma’am.” Sabi ni Anne na nasa kanan niya. Kaya inangat na niya ang ulo niya pero nakayuko lang siya. Natatakpan ng buhok niya ang muka niya kaya hindi namin makita kung anung ekspresyon ang nararamdaman niya ngayon.
BINABASA MO ANG
Explanation of Love
RomansaLahat tayo. May kanya kanyang explanation kung ano ang love. Kung ano ang rason mo kung bakit ka nagmamahal. Ako, simula't huli. Ako lang ang nagmahal. Lalo na sa kababata ko pa. As in super close ba kami. Ang paraan ko para ipahayag sakanyang mahal...