Chapter 12
Bianca's POV
" Taba? Gising na. Kelangan mo pang mag-ayos. " habang inaalog alog niya kong nakahiga sa kama.
" Maya na, Ma. " nagtakip ako ng kumot ko. Nakakatamad pang bumangon eh.
" Nandito na si Shaun oh, nakatayo sa may pintuan mo. Oh, Shaun. " Napaupo ako ng hindi oras sa kama ko, pero wala naman pala siya dun.
" Mama naman eh. " bumalik ako sa pagkakahiga ko, kasi mamaya pa naman ako papasok. Ngayon kasi yung performance namin sa Concert. Kami ang assigned performer ngayong araw.
" Anung oras ka ba talaga papasok? 7 na oh. Walang maghahatid sayo mamaya. " napaupo na ko mula sa pagkakahiga ko sa kama at napatingin kay mama ng diretso.
" Opo. Eto na po. " tumayo ako sa pagkakaupo sa kama ko, pero nakapikit pa rin. Nang may maalala ako. “ MA!” Sigaw ko.
“ ANO?! Nandito pa ko sa pintuan! “
“ Mamaya pa pala ako papasok. Concert lang ngayon eh. 6 pa naman start ng concert, siguro mga 4 ako aalis.“ bumalik ako sa kama at hihiga palang sana ako kaso, hinila niya damit ko.
“ Kahit na, kumilos kilos ka naman dyan! Kaya lumalaki balakang mo eh. “ napaupo siya ulit sa kama. Napatingin ako sakanya.
“ Oo na po.Susunod nalang po ako sa baba. “
" Osiya, ipaghahanda na kita ng almusal. " Tumayo na siya sa pagkakaupo sa kama ko at lumabas na.
" Tinatamad pa ko. " Ika ko at Saka tinakpan ang sarili ng unan at napahiga ulit.
Yung feeling na parang pagod na pagod ang katawan mo, pero wala ka naman masyadong ginagawa? -_- Ang fats ko po ay nastress.
*Bzzzttttt...*
Ang aga aga! Sino ba tong tumatawag ng ganitong kaaga? -_- Kinuha ko agad ang cellphone ko at walang tinging sinagot ito.
" Hello!"
( Oh! Bui! Chill lang. Good Morning. Anung oras ka papasok? Kelangan daw nasa room tayo ng 6. )
" Bakit naman sa room? Mga 4 ako aalis dito. Madali lang naman makasakay ng jeep papunta ng Lrt ng hapon. "
( Eh? Practice daw muna tayo. Ich-check ni Ma'am 'yung mga kakantahin natin. Medyo maaga ka pumasok! At saka, Bumangon ka na nga dyan! )
“Maya na! Nakakatamad pa! Tsk. Anung oras daw ba ich-check ni Mam? “ nakapikit pa rin ako habang sinasagot ang mga tanong ni Caryl. Ang aga aga kasi may patawag tawag agad. -_-
( Mga 3 ata eh. Pero, start naman ng performances eh 6. )
" Sige alis ako ng 2 dito. "
( Kelangan pa nating mag-ayos! MagDress ka! )
" Bui! Ayoko. Alam mong hindi ako mahilig sa ganun. Wala akong Dress. Alis nalang ako dito ng 1. "
( Hindi! Meron ka niyan. Manghiram ka sa Ate mo! )
" Eh, kakasya ba sakin mga damit nun? Eh mas mataba ako dun! *yaaaawwn* " Tumayo na ko sa pagkakahiga ko sa kama at pumasok ng banyo para maghilamos kahit hawak ko ang Cellphone.

BINABASA MO ANG
Explanation of Love
RomanceLahat tayo. May kanya kanyang explanation kung ano ang love. Kung ano ang rason mo kung bakit ka nagmamahal. Ako, simula't huli. Ako lang ang nagmahal. Lalo na sa kababata ko pa. As in super close ba kami. Ang paraan ko para ipahayag sakanyang mahal...