Chapter 32

79 0 0
                                    

Chapter 32

James' POV

" Hindi naman masamang i-try diba?" para akong nabingi nang sabihin niya yang mga litanyang yan.

Nawala yung ingay ng mga tao dito sa mall kung saan kami nagkita. 

" T*ng ina. Nabingi ako. " 

" Sasalpukin kita kapag pinaulit mo sakin yan. " nakita kong namumula ang pisngi niya. 

"E-Edi tayo na? " 

" Hoy wag kang OA. Hindi no. Pinapayagan lang kitang manligaw. " Nagsimula na siyang maglakad palabas ng resto pagkabayad namin.

" Wala lang para may drama. " ngiting sabi ko saka hinawakan ang kamay niya pero inalis niya naman agad to. 

" Hoy! Hindi pa pwede! " 

" Ngayon lang! "

" Ulol! " irap niya sakin tapos kinuha niya cellphone nya. Mukang may nagtext sakanya ah?

Sakto may nagtext din sakin. 

From: Mommy

Hi! Anaak! I miss u. Hehe.. 

Ano ba tong nanay ko? Ang OA. E, magkasama lang naman kami sa bahay. 

" Sinong katext mo? " napalingon ako sa nagtanong sakin, kaya tinago ko ang cellphone ko sa bulsa. 

" Bakit? Selos ka?" 

" Gagi! Gusto mo bang sumama bukas? "

" Saan, baby?" sumama ang tingin niya kaya nginitian ko lang siya.

" Iiwanan kita dyan eh. Sa EK bukas! Libre ng Ate ni Bianca. " 

" Si Tina? Sige lang. Siya naman may sagot eh. " nakita kong kumunot ang noo niya.

" Kilala mo si Ate Tina? " pumara ako ng Taxi para makauwi kami. Pagkapara namin sinabi lang namin kung saan kami atsaka pumasok na kami. 

" Oo! Naklala ko siya sa party. Kaibigan ng kapatid ko yung boyfriend niya. " 

" Si Kuya Simon? " 

" Ay. Hindi. Iba. Hindi siya. " 

" Sapakan ano? "

" Sure! Ng Kiss? GAME! " nagpout ako para magready pero nakaramdam lang ako ng kirot sa labi ko. 

" Oroy! Lobe ke! Ang shakit ah! "

" Sira ulo ka ba? Hindi! Nakakainis to. " saka siya tumingin sa labas habang nakapatong ang siko sa may bintana nang may maramdaman akong matigas sa may pantalon ko. 

" Shit. " 

" Bakit? " nagkatinginan kami. 

" Naiwan ko sasakyan ko sa parking lot. "

------------------------------------------------------------------

" Takte naman! Kanina pa tayo sakay ng sakay dito! Kanina pa ko nakakainom ng tubig! " si  Tina kasi kung makapanakot. -_- nauto na naman ako ng matandang yun.

" Sino ba naman kasi may sabing inumin mo yan? Sarado mo kasi bibig mo! Hahahaha! " tignan mo tong babaeng to, purket nasa likuran ko lang kaya hindi siya masyadong nababasa. 

Explanation of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon