Chapter 24

40 1 0
                                    

 

 

Chapter 24

 

BIANCA'S POV

" Hoy! Hahatid na kita! Tara! " 

" Wag na! Ano ba kasi yan! Ligaw- ligaw na yan! " kinukuha niya ang bag ko pero tinapik ko ang kamay niya, " kaya ko na. " Pero sumabay nalang siya sakin maglakad. Pero hindi nagtagal, nakaramdam ako ng bigat dahil sa dala ko. Okay hindi ko na talaga mapigilan.

" Sige na nga. Ang bigat ng dala ko, Sabay na ko sayo pauwi. " Nag 'Yes' siya saka niya kinuha ang mga gamit na dala ko. 

" May callback ka pala galing sa.... " nagsnap siya ng fingers para aalalahanin ang sasabihin niya. 

" HG company. " nakatapat na kami sa sasakyan niya atsaka ako pinagbuksan ng pinto.

Nilagay niya sa likod ang mga gamit ko atsaka siya sumakay ng sasakyan para makaalis na.

" Bakit hindi mo man lang sinasabi samin? " hindi niya inaalis ang tingin sa daanan kahit nakaredlight pa.

" Eh, hindi pa naman ako sure eh. Saka wala naman talaga akong balak. Kung papayag ako dun, edi lilipad ako ng America tapos dun na ako titira, edi naiwan naman kayo dito. " 

" Tss. Mamimiss mo lang kagwapuhan ko eh. " nakangisi siyang nagd-drive.

" Ang kapal din talaga ng muka mo no? Sige! Papayag na ko dun! Kung yan lang naman pala ang dahilan, edi pupunta na ko dun! Atleast mukang masaya tumir- "

" Joke! Joke lang! Wag! Hehe.. Hindi ka mabiro eh!" 

" Psh. " 

*bbzzzztttt* 

Kinuha ko ang cellphone ko ng nagvibrate ito. Shit! Naalala ko! 

Binuksan ko ang screen at tinignan kung sino ang nagtext.

From: Ate Geneve

Bianx! Next week nalang natin ituloy ang pagGym ah? May urgent call ako eh. Sorry! 

Akala ko ba bakasyon siya ng isang taon dito? Tapos may urgent call siya? 

To: Ate Geneve

Okay lang ate. May gagawin rin kasi ako at exam namin bukas eh. Ingat ate! 

" Sino yun? " 

" Wala ka na dun! " saka ako gumawi sa labas ng sasakyan. Medyo gabi na rin, kaya maraming ilaw. Hindi ko tuloy makita yung mga stars. -_- 

" Taray naman neto! Meron ka ba? " nanlaki ang mga mata ko atsaka napalingon sakanya.

" Hoy! Wala! " nakakainis. Medyo nahiya ako ng sabihin niya yan. 

" Hehe. Joke lang. " natahimik nalang ako pagkatapos nun. 

*Yaawn* Ano ba yan! Nakakapagod din yung ginawa namin kanina ah! Medyo inaantok na ko, pero kelangan namin mag-usap ni Shaun.

----------------------------

" Uy! Gising na. Nandito na tayo sainyo. " nagising ako sa kumalabit sakin. Nasa gilid ko siya. Mukang nababa na rin ang mga gamit ko ah, kaya bumaba na rin ako. 

Explanation of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon