Chapter 6

78 2 1
                                    

Chapter 6 



Bianca's POV



" Bui! Nasa may gate na ko  papunta ng school. " Naglalakad na ko papasok sa school. Medyo kakababa ko lang naman ng LRT.

" Anoo?!” Aray! Medyo masakit sa tenga!  “Ala! Kakagising ko lang! Teka lang! "

" Wag ka ngang mag-madali masyado! Jusmiyo naman tong babaeng to oh! Ang lapit mo lang naman dito" 

" Ah! Basta! Antayin mo nalang ako sa Activity center! " 

Tska niya binaba ang telepono. 

Si Caryl nga pala yung kausap ko, medyo nalate ng gising kasi ang usapang oras na magkikita eh, 6:00 Nagpalate na nga akong konti, siya naman sumobra. 

Tinignan ko ang orasan ko .. 6:48 palang naman, kaso 8 pasok namin, pero lagi kaming nagmamaaga ngayon. Nadala na kasi ako dati eh. -_- 

Habang naglalakad ako papunta sa main gate ng school, napatingin ako sa suot kong bracelet. Tatlo ang suot kong bracelet. Yung isa, yung pare-parehas kami nila Caryl at yung dalawa naman, yung binili kong terno. Simple lang naman siya, isang kulay Pink at Green. Sakin ang Green at kay Shaun ay Pink.

Ganun siya... -__- kahit sabihin mong napakalalaking tignan. Varsity ng school. Tinitilian ng mga babae...



Paborito namang kulay... Pink!  


Pero,nagdadalawang isip talaga ako kung ibibigay ko ba talaga to eh. -_- 


Hayy... Mamaya madapa pa ko nito sa kakatitig dito. Kaya dumiretso nalang ako ng lakad papunta ng gate ng campus.


" Hi, Bianca! "

" Ay! Kabayo! Jusko! Shaira! Nakakagulat ka naman! " bigla bigla nalang kasing sumusulpot.

" Ay! Hihi! Sorry! Pinagmamasdan kasi kita eh, kaya ayun. Akala ko nga hindi ikaw, pero unti unti akong tumabi sayo tapos ayun, nag hi na ko. " nagsmile siya sakin. Ang kinis ng muka nya! :( Nakakainsecure! 

" Ikaw talaga! Ay teka, ichcheck nila kuya guard yung bag! " binuksan ko na ang bag ko at gumaya rin siya, kasi nakapasok na kami sa loob ng campus. Ganito lagi samin, bago pumasok at lumabas eh, tinitignan ang bag. -_- nakapagod rin kaya to! Alam ba nila yun? 

Pagkalagpas namin, naglakad kami ng tahimik. Ako nakatingin sa phone ko, nag-aantay ng text o kaya eh, tawag galing sa apat kong kaibigan ng tanungin ako ni Shaira. 

" Hmmm... Bianca? Kilala mo si Shaun Andrada? " napatingin ako sakanya

" Oo naman! Baket? " 

" Close ba kayo nun? " tumingin siya sakin ng medyo nahihiya. 

" Oo! Sobra! Simula bata kami na magkasama eh. Baket? " napatingin ako sakanya at nakita kong niyakap niya ang mga dala dala niyang libro at namula.

O.O 

Teka...




" Pwede bang....  ipakilala mo ko sakanya? " 




----------------



" ANO?!! " Sigaw ng 2 kong kasama. Si Anne naman, nakaupo lang na nakikinig. Nasa canteen kami ngayon, break time namin,

" Oh? Ano? Kelangan talaga sumigaw at agawin ang atensyon ng mga estudyante dito sa canteen? " medyo pabulong kong sabi. Nasa tapat ko kasi sila.

" Sorry na! Pero.. Seryoso? Nagpapatulong siya sayo? " tanung ni Caryl na hanggang ngayon eh, nanlalaki mata niya. “ OhmyGosh! This is bad! “

" Hindi! Hindi! Joke lang! Anong this is bad this is bad ka dyan! Tsk! Seryoso... Sinabi niya yun. " napakunot ang noo ko dahil sa kulit nilang dalawa. 

" Eh, anu naman sabi mo sakanya? " Faye

" Sabi ko, papakilala ko siya kay Shaun. " tska ako nakaramdam ng masakit na hampas sa ulo.. " CARYL! Masakit ah!! " hinihimas ko yung parte ng ulo kong hinampas niya.

“ Shh! Wag kang maingay! Wag ka ngang sumigaw! “ sinabi niya sakin ng medyo pabulong, napatingin ako sakanya ng masama. Tingin niya hindi ako mapapasigaw sa ginawa niyang hampas sa ulo ko? Yung tipong solid talaga?

" Ang tanga mo talaga bui! " 

" Thank you sa pagpuri mo, Caryl! Seryoso! " tska ako uminom ng Sola na Rasberry flavor, saraaaaap! Kaya paborito ko to eh. 

" Kaya mo ba? " tanung ni Anne sakin habang hindi inaalis ang tingin sa kinakaen niyang fries. Yung dalawa naman nakatingin na sakin. 

" Na ano? " this time cinrumple niya yung lagayan ng fries at tumingin ng direcho sakin.

" Kaya mo ba talagang maging tulay para sa ikaliligaya ng taong minamahal mo? " 

" Oo! Syempre! Kaya mga dib mahal ko siya? Gusto ko maging masaya siya! Kaya kailangan kong gawin to! Para sakanya! " Unconscious kong sagot.

" Bilis sumagod ah! Parang medyo manhid manhidan ang peg mo, bui! Kala mo naman kaya mo talagang gawin yan. " Faye

" Hindi ka naman kasi sigurado eh. Madaling sabihin, Bianca. Kaso, mahirap gawin. Sinasaktan mo lang sarili mo sa mga mangyayare eh. Hindi mo pa nga alam ang susunod na mangyayari sayo. Sumugod ka naman agad. "  Anne.

Napaisip naman ako sa sinabi ni Anne. Tama nga naman siya. 

Kaya ko nga bang gawin? Kung ikaliligaya nga ni Shaun... Pano naman ang kaligayahan ko, kung puro siya nalang iniisip ko? 






" Ahem... May papalapit. " napalingon ako kung saan nakatingin si Faye at nakita ko naman ang papalapit na lalaking ready na ready ng makihug sakin ay.. Este maglaro. Teka.. Eto ba yung feeling na.. Slow-motion kapag nakikita mo siya? Nakikita ko si Shaun pero, bakit.. mabagal siyang papalapit samin? Teka! Iling-iling.

" BEEBS! " pumunta siya sa harapan ko at ako naman ay tumayo at nakabalik na sa katinuan.

" Uy! Laro niyo na agad? Sinong kalaban niyo? “

" Med Tech! Yep! Uy! Good luck sakin! Support mo ko ah! " 

" Oo naman! Fighting!! " tska namin pinakita ang mga fist namin na senyales na galingan. Nakita ko naman yung bracelet na binili ko para saming dalawa pero...

" Osige, Bebs! Alis na ko ah! Mamaya nalang! Bye guys! "  patakbo na siya kaso, pinigilan ko dahil may kailangan akong iabot sakanya.



" Ay teka! Bebs! "  humarap siya sakin ng nakangiti.. tinanggal ko sa akin yung bracelet " OH! Saluhin mo! "  nasalo naman niya agad at napangiti siya..

" Para san to? " nagtatakang tanong niya.

" Good luck charm! Gamitin mo ah! Malay mo manalo pa kayo! " nakita kong sinuot nya naman agad yun at ngumiti at saka tumakbo na pabalik ng gym namin. 

Explanation of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon