Chapter 5
Shaun's POV
" Dali, Bebs! Bilisan mo pa!! " habang tumatakbo ako patalikod. Bale nakaharap ako kay Bianca ngayon, at ang itsura niya ang pagod na pagod. " Dalian mo pa, Bebs! "
" Teka teka teka! Stop lang tayo saglit. Hihingal lang ako. " Tska kami tumigil at siya naman ay hingal na hingal na humawak sa kanyang tuhod.
" Pambihira ka naman, Bebs! 30 minutes palang tayong nagjjog oh! Tss.. "
" Haaaa! Pwede ba! Ang tagal na 'rin nun! Tsaka.. " Dumiretso siya ng tayo kahit hinihingal pa rin. " Hindi kaya tayo nagstretching bago tumakbo! “ Reklamo niya.
“ Ikaw lang! Nakaupo ka kaya nung sinabi kong magstretching muna bago tumakbo! “
“ Diba may laro ka bukas? Dapat magpapahinga ka nalang! "
" Ano naman? Sanay naman ako sa ganito eh. Tska, sabado naman bukas. Pagkatapos ng laro, Pahinga agad. Wala ng klase! "
" Ay! Jusmiyo marimar! Uwi na tayo, Shaun! Maaga pa pasok ko bukas! " aya niya habang umiinom ng Gatorade na binili ko para samin.
" Ako rin naman ah! 6 nga call time namin eh! " pagmamalaki ko. Ganun naman kasi lagi kapag may game kami, 1 hour or 2 hours before ng game ang call time.
" Che! Swerte mo! Excuse kayo sa class niyo bukas! Kasi umaga lang naman sched niyo! Kami hanggang 1! Hindi pa sure kung mae-excuse kami sa Economic subject namin! " halatang bwisit na bwisit ang itsura niya, kaya naisipan ko na ring umuwi.
“ Hindi ka mag-mamascot bukas? “
“ Natural hindi. Kapag ibang school lang naman ang kalaban niyo saka ako magsusuot nun. “ umupo siya sa may gilid.
“ Ahh! Kaya! “ habang tumatango-tango ako. " Tara na nga! Mamaya kung anung mangyari sa fats mo! " inabot ko ang mga kamay ko para itayo siya. Inabot naman niya ito.
" Che! " saka kami naglakad pabalik ng street namin. Magkatapat lang naman bahay namin eh. Kaso maglalakad pa kami lagpas ng 7 kanto para makarating samin.
" Bebs. "
" Oh? " Nakafocus lang si Bianca sa paglalakad pero nagtatali siya ngbuhok niya.
" Ano kayang itsura mo kapag payat no? "
" Sus! Wag ka ng umasa! Sasabihin mo lang naman sakin na ang panget ko. "
" Hahahahahahhaha! " natawa ako sa sinabi niya. Totoo kasi. Kapag sinasabi niyang magpapapayat na siya, sinasabihan ko siyang papanget siya. Inakbayan ko nalang siya at ginulo ang buhok.
Nagkwentuhan lang kaming dalawa hanggang sa makauwi na kami.
Hindi naman kasi panget si Bianca eh. Actually, maganda naman siya kaso natatabunan lang ng taba. HAHAHAHA!
May nagkagusto na nga 'dun na kasamahan ko sa basketball, kaso sabi ko wag na siyang umasa. Hindi siya papatulan nun.
Pagkadating ko sa bahay, sinalubong agad ako ni Manang.
“ Manang si Mama po? “
“ Nandun sa kwarto niya. Puntahan mo daw siya mamaya. Ah, teka. Kumaen ka na. “ Si Manang Lucinda. Simula bata, siya na ang kasambahay namin dito. Siya rin nag-aalaga kay Bianca noong bata pa kami kapag Off si Manang Lucy sakanila.
BINABASA MO ANG
Explanation of Love
RomanceLahat tayo. May kanya kanyang explanation kung ano ang love. Kung ano ang rason mo kung bakit ka nagmamahal. Ako, simula't huli. Ako lang ang nagmahal. Lalo na sa kababata ko pa. As in super close ba kami. Ang paraan ko para ipahayag sakanyang mahal...