Chapter 11

84 2 0
                                    

Eto po 'yung point-of-view ni Shaun noong, pumunta sila Bianca sa puntod ng Nanay ni Axel. :) Hihi! <3 

Chapter 11 

Shaun's POV

" Oy! Axel! " bati ko sakanya habang papalapit

" Uy! Shaun! " pagkalapit ko sakanya, nakipagbro-fist ako sakanya.

" Hiramin ko muna bebs mo ah! Papasama lang ako. " napatitig ako sakanya at napangiwi ng wala sa oras, naalala ko. Pumoporma na nga ata siya kay Bianca. 

" Ikaw ah! Dumadamoves tayo ah? " sinuntok ko siya ng mahina sa balikat niya. " Dumadamoves tayo ah? "  pagkasabi ko nun, bigla nalang pumasok sa loob ni Bianca sa bahay nila.

" Tss.. Hindi ko nga alam kung paano eh. " 

" Ha? " nagtaka ako ng hindi oras sa sinabi niya. " Ang dami mo ng naging babae, tapos sasabihin mo hindi mo alam kung paano. " Sa aming dalawa, siya ang mas lamang ng bilang ng mga naging babae, pero madalas, walang tumatagal ng 2 buwan. 

" Eh.. Kasi... Iba to eh. " Nauutal niyang sabi. " Tulungan mo nga ako. " ayoko. 

" Mahal mo na agad siya? " sumandal ako sa pader habang  nakatingin sa may pintuan.

" Oo na ata, pre! " binulsa niya ang isang kamay niya at sumandal na rin sa pader at nagtawanan nalang kami ng walang tunay na dahilan.

Bigla kaming natahimik ng saglitan, siya naman napapangiti, mukang may iniisip. Ako naman, nakatingin lang ang mata ko sakanya pero hindi ko nililingon.  

" Oh, Bianca nandiyan ka na pala. " napatuwid ng maayos si Axel ng nakangiti. 

" Ay, Hindi. Joke lang to, Axel! " Napangiti ako sa reaction ni Bianca na nakanguso. Ang sarap talagang yakapin ng bestfriend ko..... 

Bestfriend...

Kinurot niya ang pisngi ni Bianca atsaka tumawa ng malakas, pero napatitig lang ako...

Namiss ko ang bonding namin.

" *clear throat* Axel, pakiingatan nalang, Bebs ko ah. " 

" Oo naman. " 

" Sige na, pupunta pa kasi ako ng bahay nila Shaira eh. " Tumingin si Axel sakanya at bumaling ulit sakin, tumango ako bilang senyas na ingatan si Bianca at kumilos na siya sa gusto niyang mangyare. 

" Oo naman. Ako pa! " ngumiti siya sakin, tapos nagkatinginan sila sa isa’t isa at biglang umakbay sakanya si Axel.

" Sige. Bye, Bebs! " lumabas na ko ng gate nila at naglakad pabalik ng bahay. Magkatapat lang naman bahay namin eh. 

--------------------------------------------------------------------

Napatitig lang ako sa kawalan..

Hindi ko alam bakit biglang napaisip ako... 

Parang may mali? 

" Shaun, tingin mo bagay sakin to? " Tanong ni Shaira habang nagsusukat ng damit. Tumingin ako sakanya at nakita kong nakasuot siya ng dress na sleevless kulay maroon. Nasa mall kami ngayon, nag-aya siya na magshoshopping siya at nagprisinta akong sasamahan ko siya.

" Kahit ano naman sayo maganda eh. " Kinindatan ko siya at nakita kong namula ang pisngi niya. 

" Iiihhh!! Shaun naman eh. Kanina ka pa nga po tulala diyan. " Nagpout siya, ang cute niya! 

Explanation of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon