PASSWORD : Perfect Human

1.9K 74 98
                                    


"Excuse me Miss Shery, pinapatawag po kayo ni Sir Louise!"


Ang puno ng katanungan na dalaga ay agad na bahala sa biglaang pagpapatawag sa kanya ng kanyang Lolo.


Nagtatakang hinarap niya ang ginoo bagamat ang pningin ay na kay Cage na ngayon ay nagdidiwang sa loob niya dahil nakaligtas siya sa kaibigang ang daming hindi alam.


"Sige po Mr.Run susunod po ako!"


Pagtalikod ng ginoo kay Shery siyang ngiti niya kay Cage, "Bakla ka talaga. Pwes maghanda ka mamaya dahil ayokong hindi masasagot ang tanong ko."


Cage swallowed his nervous then smiles. Ito naman oh sinasabi pa ang obvious, asar!



---


PAPALIKO noon ang dalaga sa pasilyong papunta sa study room ng kanyang Lolo nang makita ang babaeng kakalabas lang doon.


Mamaya malalaman ko kung sino ka at ano nga ba talaga kita. Panunuri niya dito habang minamasdan sa pagbaba ng hagdanan patungo sa bulwagan ng mansion.


Hindi siya dumaan doon dahil tiyak na magku-krus ang landas nila na ayaw niyang mangyari dahil hindi pa ito ang tamang panahon. Inilipat niya ang atensyon sa pintong hihintuan niya. Nasa loob niyon ang kanyang Lolo na naghihintay sa kanya.


Aminado si Shery na masama ang loob niya sa kanyang Lolo.


Una dahil kahit ayaw niyang umalis ay pwersahang pinadala siya nito sa isang lugar para magtraining. Wala siyang ideya kung ano o saan ang pupuntahan niya dahil nakarating siya doon ng walang malay o sinadyang tinurukan siya nang pampatulog habang natutulog para hindi matiyak ang daan patungo at pabalik sa mansion dahil kahit ang pag-uwi niya ay sa ganoong proseso rin.


Pangalawa, bago siya matulog noong gabing iyon ay sinabi nitong, "I want you to be like me." Magulo ang isipan niya noon. Anong ibig sabihin ng kanyang Lolo? Alam niya sa sarili na matalino siya at nangunguna sa lahat ng larangan dahil iyon ang palaging sinasabi nito sa kanya. I want you to be wise in every aspect. Not just a normal jack of all trades but a top and perfect jack of all trades.


Pangatlo, sa kabila ng magagandang marka at pangunguna sa lahat ng aspeto ay hindi manlang siya nakatanggap nang papuri dito kundi puro singhal at pagpuna. Walang tama sa lahat ng gawin niya. Kung maging maganda man ang ginawa niya mayroong maliit na porsyentong mapupuna ito at daig pa noon ang isang criminal na gumawang pumatay o magnakaw upang maging malaking kamalian. Masakit sa kanya iyon pakiramdam kasi niya hindi siya nabibilang sa pamilyang ito kundi isang tau-tauhan na kailangan maging perpekto upang gawing sandata sa laban.


Panghuli, bumalik siya dahil sa balitang inatake ang kanyang Lolo. Kahit na masama ang kanyang loob hindi nawala sa kanya ang pag-aalala. Ang Lolo na lamang nila ang nag-iisang pamilya na mayroon sila dahil ang kanyang ina ay namatay sa pagsilang sa kanila. Ang kanyang ama naman ay inatake sa puso noong karga siya at pinapatahan mula sa pag-iyak kaya ang tumatak sa kanyang isipan ay dahil sa kanya kung bakit ganoon ang galit ng kanyang Lolo sa kanya. Pero winalang bahala niya iyon at pilit sundin lahat ng gusto nito sa kabila na baka matutunan siyang tanggapin nito bilang isang apo pero buhat noong umalis siya'y hindi manlang ito nagpakita.

PASSWORD  (Completed) (Raw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon