PASSWORD : I miss you

504 24 14
                                    




"Shery sa'yo yata ito?"



Inabot ni Cage ang sulat kay Shery matapos ay lumapit sa lamesa at kumuha ng tinapay. Inipit naman ni Shery ang kinakain na tinapay sa bibig at binuksan ang sulat.



"O anong sabi?" inosenteng tanong ni Cage habang busy sa paglagay ng jam sa tinapay na nakuha.



Tahimik sa pagbasa si Shery hanggang sa maibuka niya ang bibig dahilan para malaglag ang tinapay kasabay nang paglingon ni Cage.



"Cage gusto akong katagpuin ni Evo."






---






PINAGHANDAAN ni Shery ang pagkikita nila ni Evo dahil talagang nagpaayos pa siya kay Cage habang ang suot naman na dress ay sponsor ni Pinam.



Maaga siya ng limang minuto sa nasabing oras sa sulat kaya naisip niya munang magmuni-muni sa paligid. Maganda ang napili ni Evo na lugar dahil puro ito halaman at magandang tanawin ang kaso nga lang sa tabing daan ito. Hihingi ka lang ng sorry sa ganitong lugar pa!



Humihip ang sariwang hangin kaya medyo nagulo ang kanyang buhok, nahihiyang inipit niya ang ilan sa nakawalang buhok sa kanyang tenga saka ngumiti. Nagpunta ako rito para tanungin ka kung talaga bang hinanap mo ako. Kasi kung totoo 'yon, Nangingiting pinagdaop niya ang parehas na kamay saka bumuntong hininga, kinakabahan kasi siya. Ano bang dapat kong sabihin teka e kung manahimik nalang ako at takutin kong galit ako. Natatawang pinitik niya ang ulo sa naisip na kalokohan.



Nakarinig siya nang paghinto ng sasakyan kaya agad siyang napaharap.



Pilit niyang dinudungaw mula sa pwesto ang sasakyan dahil nakahinto lamang ito at hindi manlang lumantad ang nakasakay doon, Tss hambog talaga kahit kailan. Kaylan pa nagkaroon ng hiya ang mokong na 'yan samantalang sa ospital nakikiusap na makausap ako. Ito na nga oh, sus.



Saglit pa'y bumukas ang pinto ng sasakyan siyang ngiti ni Shery dahil si Evo na nga talaga ang naroon.



"Clothe man!?" masayang wika niya na siyang nagpatakbo kay Evo.

PASSWORD  (Completed) (Raw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon