"Anong lugar 'to?" tanong ni Shery nang hindi makilala ang lugar na pinagdalhan sa kanya ni Evo.
Tinanggal muna niya ang seatbelt bago nilingon ito. Ang totoo gusto niyang tanungin ito tungkol sa kanila pero mas pinili niya ang masdan muna ito. Sobrang na miss niya kasi ito. At gaya ng dati niyang ginagawa, natutuwa siyang muling makita ang totoong ugali nito. Mga katangiang hindi ipinapakita sa iba kundi sa kanya lamang.
Kumurap-kurap si Shery. Iyon ang nagpagising kay Evo at matawa ng bahagya.
"Tumaas na kasi ang mga halaman dito tsaka napabayaan na kaya hindi mo nakilala." sagot niya ng hindi ito tinitignan. Gaya niya tumanaw din ito sa paligid habang kunot ang noo.
Bumaba si Evo sa sasakyan, umikot ito at binuksan ang pinto sa gilid ni Shery. Inilahad niya ang kamay upang alalayan ito sa pagbaba at lumakad ng ilang metro pa.
Ganoon nalang ang gulat ni Shery nang makilala ang lugar. Ngayon niya lang napagtanto, ito ang bukid kung saan natagpuan siya ni Evo noon. Dahil sa mga naglalakihang talahib at ligaw na damo halos hindi makilala ang lugar. Pinutol din ang ilang puno na dati ay palatandaan niya.
Malungkot niyang nilingon si Evo, "Saksi ang lugar na ito sa saya at lungkot nating dalawa."
Tumango si Evo saka siya hinila para ikulong sa mga bisig nito.
Halos mapapikit siya. She missed his hug. His warm and safe arms. He's comforting and loving attention. Her real home. "I miss you Evo!"
"I love you too!"
Napahiwalay siya sa yakap nito dahil sa tinuran, "Sor--" Hindi niya natapos ang sasabihin ng biglang lumapat ang labi nito sa kanyang mga labi. She was surprise, but chooses to close her eyes and respond.
Sa mga oras na ito para kay Shery, nahanap na niya ang totoong dahilan kung bakit siya patuloy na lumalaban. Kung sisimulang balikan ang nakaraan, ilang beses siyang nadapa at bumangon ng walang tumutulong sa kanya. Kahit takot na takot siya at gustong sumuko, dahil sa paniniwalang may taong naghihintay sa kanya ay lumaban siya.
Naramdaman ni Shery ang paggapang ng kanang kamay ni Evo patungo sa kanyang batok at ang kaliwang kamay nito na idinikit sa kanyang likuran. Sa mabilis na paraan lalo siyang naikulong ni Evo sa mga bisig nito at mas nasakop nito ang kanyang mga labi. Napakasaya ni Shery. Hindi niya maipaliwanag ang sayang nadarama. Kaya hindi niya namalayang tumulo na pala ang luha sa kanyang mga mata.
Sa noo'y paglipat ng kaliwang kamay ni Evo, nadako iyon sa kaliwang pisngi ni Shery. Naramdaman niya ang basang pisngi nito dahilan para idilat ang mata.
"Sorry. Masakit pa rin ba?" ang nag-aalalang tanong ni Evo ng ang paningin ay nakatutok sa kaliwang dibdib pakonekta sa balikat ni Shery na may benda.
Tumalikod siya kay Evo. Nahihiya sa inasta pero muli siya nitong iniharap.
BINABASA MO ANG
PASSWORD (Completed) (Raw)
Mystery / ThrillerHighest rank#132 in Mystery - August 27, 2017 Alamin natin ang misteryo kung paano mapagtatagumpayan ni Shery Hanzrouie ang pagsubok na iniatang sa kanya ng kanyang Lolo Louise. Kung saan noong una ay inakala niyang para lamang gawin siyang isang...