PASSWORD : The Prognostication

1.2K 57 39
                                    

Sa daan lulan ng isang itim na sasakyan hindi mapigilan ng dalagang si Shery ang matawa sa sarili.


He distracts me effectively.


Kagat ang dila ay naalala ng dalaga ang reaksyon ng taong binalot noong barilin niya ang puting t-shirt nito. Gulat na gulat at hindi makapaniwala kaya naman walang itong ibang pagpipilian kundi ang hubarin ang suot.


Pagbinaril niya ako mapipilitan akong magtanggal ng damit at lalantad ang panloob kong-no way!


Nakatanaw lamang siya sa labas nang mapansin ang kakaibang bahay sa unahan. Isang ideya ang sumagi sa isipan niya kaya't mabilis niyang pinahinto ang sasakyan.


Sa paggarahe sa isang gilid agad niyang binuksan ang pinto pero nakapirmi lamang sa upuan at hindi agad kumilos. Tanda ko pa ang bahay na ito noong bata pa kami ni Katie.


Inihakbang na ng dalaga ang paa nang maalala na hindi nga pala siya nag-iisa.


"Mauna ka na may dadaanan lang ako," wika nito nang hindi hinaharap ang taga-maneho na kausap matapos ay tuluyan nang lumabas ng sasakyan.


Hawak ang mamahaling pouch ay sinimulan na nitong lumakad palapit sa magarang bahay. Simple lang ang bahay pero kumikislap.


Ngayon ay ikalawang araw ng setyembre kaya't mayroon ng disenyong Christmas lights sa bawat mga bahay tulad nito. Ang ipinagkaiba lang ay ang bawat detalye ng bahay na ito ay nilagyan ng Christmas light kaya't kapansin-pansin ito sa lahat nang dumadaan dito.


Pumirmi sa isang gilid si Shery at inaliw ang sarili sa panonood ng patay-sinding ilaw ng Christmas lights.


Katulad ng mga nagdaang taon ay tradisyon na yata nila ang ganito. Ang ipagdiwang ang pasko na kompleto at masaya. Ipinagmamalaki ng may-ari kung gaano sila kasaya kaya't kahit hindi ko sila kilala ay tiyak ganoon ang gusto nilang ibahagi sa amin. Ang masayang pasko kasama ang pamilya. Kahit hindi ganoong kayaman ay kompleto naman at kontento sa bawat isa. Puno ng pag-ibig at kasiyahan sa puso.


Salo ang dibdib ay nagawa niyang diinan iyon upang pawiin ang inggit na nadarama. Gusto niya ng ganoong pakiramdam ang ipagdiwang ang pasko kasama ang kanyang Lolo Louise at si Katie.


Pero paano mangyayari iyon? Madalas wala sa bahay si Lolo samantala si Katie ay madalas nasa kanyang mga kaibigan. Nitong nagdaang taon hindi ko nga namalayan na nagpasko pala dahil--, agad pinahid ng dalaga ang luhang tumakas mula sa kanang mata.


Mapait na ngiti ang ginawad ng dalaga sa kanyang nararamdaman at ikinilos ang paa upang sana umalis sa pwesto ng biglang makarinig nang pagdaing.


"Maawa na kayo kahit pangkain ko lamang po ay nawa'y inyong dinggin."


Nangunot ang noo ng dalaga at hinanap ang pinanggagalingan ng boses. Sa pag-ikot niya sa punong katapat nakita niya ang babae.


PASSWORD  (Completed) (Raw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon