PASSWORD : The Rationale

1K 62 30
                                    

"S-3198 is ready for the battle!"

Agad napabalikwas si Shery sa narinig. Ang sa pagkakatanda niyang kwarto ay naging isang gubat. Mula sa higaan sinipat nito ang katabing kapatid. Mahimbing ang tulog at natatakpan ang kalahati ng katawan ng kumot.

Hindi pwede. Bumalik ako sa impyernong pinanggalingan ko noon? Maliksing tumayo ang dalaga saka inihanda ang kamao sa maaring kalaban na parating.

Kailangan kong proteksyunan ang kapatid ko sa kalaban!

Naningkit ang mata niya noong gumalaw ang halaman. Malakas ang kutob niyang may kalabang lalabas doon. Mula sa likuran ay siniko siya ng lalaki. Nawalan siya ng balanse at napasubsob. Wala pang isang segundo ay sinipat niya ang mahimbing ang tulog na si Katie matapos ay tinisod ang lalaki at ginantihan nang pagsiko sa mukha dahilan upang maglaho ito at maging isang sandata.

Ilang minuto ang nagdaan.

Hingal na hingal ang dalaga. Marami ring nagkalat na dugo sa kanyang mukha, braso at katawan. Hawak ang samurai at baril nanginginig ang mga paang nanatiling makatayo.

Kailangan kong protektahan si Katie! Usal niya sa isip matapos ay hinigpitan ang hawak sa samurai. Alistong napaharap siya sa malaking puno noong may naaninag na anino roon.

Nanlilisik ang mga mata ng dalaga. Natatakot kasi siyang mapahamak si Katie, Mainam na ako nalang huwag lang madamay ang kakambal ko.

Mabilis kumilos ang anino at ngayon ay lumantad kasabay nang pagsugod niya rito.

Lolo?

Kamuntikan niya na itong mapugutan ng ulo buti na lamang ay namukhaan niya kung sino ito.

"You killed them all! You made it, I'm proud of you Shery." His Lolo Louise loudly said spreading both hands showing all the enemies down.

Bagaman nagtataka ang dalaga ay hindi niya mawari ang sasabihin o kung ano ba ang dapat maramdaman. Sobrang nabigla siya sa inaakto ng kanyang lolo pero lubos na tumatak sa isipan niya ang sinabi nito.

I'm proud of you?

Napalunok ang dalaga habang nakatulala ng hindi namamalayan ay tumulo na ang mga luha sa kanya mga mata.

"My lovely granddaughter come here," magiliw na alok ng matanda sa kanya kaya kahit madami siyang hinanakit dito ay mabilis niyang iwinaksi sa kung saan at malugod na tumakbo palapit sa bisig ng minamahal na lolo.

Walang salitang maririnig sa dalaga kundi ang hikbi ng isang nangungulila sa pagmamahal nito. Labis ang saya niya kabalintunaan nang ipinapakitang reaksyon.

"Hush now my dear. Everything will be alright," lalong hinigpitan ni Shery ang yakap sa kanyang lolo tila ba ayaw na niya itong pawalan dahil gusto niya ang nangyayari na sana ay hindi ito panaginip.

Panaginip?

Agad tumingala si Shery at pinakatitigan ang kanyang lolo. Inilagay niya ang parehas na kamay sa pisngi nito matapos ay ngumiti, "Ang tagal ko na pong gustong gawin ito. Ang mayakap kayo at makita kung paano kayo ngumiti."

Gamit ang kanang kamay ay sinukat niya ang labi ng matanda kung gaano kalawak iyon, "Lolo ang saya-saya ko po. Sobra! Kung panaginip po ito sana hindi na ako magising," nawala ang saya sa labi ng matanda at nabahiran ng awa sa dalaga.

"Apo patawarin mo ako sa pagiging matigas ko sa iyo. Palagi kitang nasisinghalan na alam kong labis na nakakapanakit sa damdamin mo, apo maging ako rin ay nasasaktan pero kailangan kong gawin iyon," humiwalay sa pagkakayap ang matanda saka hinawakan sa parehas na braso ang dalaga, "... apo ko sana huwag kang mag-iisip ng masama sa akin o kahit sa kapatid mo. Mahal ko kayong dalawa ni Katie, kahit anong mangyari ang kapakanan ninyo ang palagi kong inuuna. Ang malayo kayo sa kapahamakan at mamuhay ng masagana. Isa lang ang munti kong hiling sa iyo apo."

PASSWORD  (Completed) (Raw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon