PASSWORD : Face off!

515 29 8
                                    



SA sandaling napukaw ng atensyon ni Evo ang pigura ni Shery sa gitnang bahagi parang tumigil ang oras.



Shery?



Kahit malayo at hindi niya klaradong nakita kung si Shery ba talaga iyon otomatikong nawala ang lungkot sa kanyang puso dahil hindi ang mata ang kumikilala sa minamahal niyang dalaga kundi ang puso nito.



Walang anu-ano'y agad tumakbo si Evo upang sundan si Shery. Hindi niya magawang kumurap dahil natatakot siyang baka mawala sa kanyang paningin ang dalaga.



Kasabay nang kanyang pagtakbo ang pagkilos ng ilang manonood kung kaya nawala sa kanyang paningin si Shery. Narinig pa niyang tinawag siya ni Paul pero inignora niya iyon at bumulong na nakita niya si Shery.



Naluluhang inilinga niya ang paningin upang hanapin si Shery pero hindi na niya ito muling makita. Puno ng takot na tumakbo ito patungo sa gitnang bahagi dahil baka naroon lamang ito pero sawi siyang napahinto. Minasdan niya si Katie na nasa stage na gaya niya ay nakatingin din sa kanyang gawi.



Ang mga tingin niya sigurado akong nakita rin niya ang kanyang kambal!



"Doon siya nagpunta!" wika ni Paul habang salo ang dibdib at malalim ang paghinga.



Naguguluhang nilingon ni Evo si Paul, "Akin na 'yang cellphone hintayin mo ako rito!"



Tinumbok ni Evo ang pulang ilaw na patungo sa likurang bahagi ng event. Sa kanyang pagdating laking gulat niya dahil patungo iyon sa ladies comfort room. Nahihiya itong tumabi sa isang gilid at tahimik na nagmasid.



Ilang minuto siyang naghintay hanggang sa may isang babaeng nagdaan. Minasdan niyang maigi ang kabuoan nito. Mula sa bawat hakbang nitong parang elegante, mga kamaong nakasara na parang handang manakit at ang likod nitong, Shery?



Napalunok siya sa nabuong konklusyon, Salamat at ligtas ka!



Inihakbang niya ang mga paa upang sana sundan si Shery ang kaso nakita niya sa 'di kalayuan si Brent. Nakatingin ito sa kanya na parang nagsasabing mag-usap sila. Nilingon niya muna si Shery na pasakay ng elevator saka huminga ng malalim.





PASSWORD  (Completed) (Raw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon