Mula sa isang madilim na kwarto tanging bukas na laptop ang nagbibigay liwanag sa luhaang si Shery. Halos pasado alas tres ng umaga pero hindi manlang dumalaw ang antok sa diwa nito. Nakatulala lamang at malayo ang iniisip.
Walang ingay o daing tanging katahimikan ang bumabalot sa paligid.
"Patawarin mo ako apo dahil nagpanggap akong wala ka sa akin!"
"Maswerte ako at pinagkalooban niya ako ng apong maunawain at mapagmahal."
Lolo kaya mo ako pinadala doon dahil gusto mong protektahan ko ang kayamanan hindi ba? Pero anong lugar 'yung pinuntahan ko? Ano 'yung babaeng nakakausap ko? Saan ko siya mapupuntahan? Kailangan kong bumalik doon dahil hindi pa ako tapos sa training!
Sa pagkakataong ito makailang ulit pumikit at dumilat si Shery.
Lolo sino ang kalaban? Sabihin mo sa akin kanino ko dapat protektahan ang kayamanan ng Hanzrouie?
Sa pagtayo niya'y hindi sinasadyang natabig niya ang pulang box sa kanang bahagi. Nagkalat ang laman noon kaya sa kanyang pag-ikot una niyang nakita ang flash disk na ibinigay ng lolo niya kasama ang flash disk na ibinigay ni Perry.
Pinulot niya ang ilang pang gamit saka isinilid sa box. Inilapag niya sa table ang dalawang flash disk at tinitigan. Narito ba ang sagot?
Una niyang binuksan ang ibinigay ng kanyang lolo.
Isang video lamang ang laman noon kaya agad niyang pinagana. Bumungad sa kanya ang lolo niyang naka-upo.
"Apo ko Shery!"
Tila pinangilabutan ang buong katawan ni Shery sa kanyang narinig. Lolo?
"Gusto kong humingi ng tawad sa'yo apo ko!"
Muling dumaloy ang luha sa pisngi ni Shery. Pakiramdam kasi niya nasa harapan niya lang ito at hindi totoong patay. Lolo gusto ko po kayong yakapin ngayon. Pwede po ba? Sa gayon maiparamdam ko sa inyong pinapatawad ko na kayo.
"Apo ko. Masakit sa akin sobra na nakikita kang nahihirapan. Sa idad mong iyan hindi mo pa dapat dinaranas ang hirap at pasakit pero kailangan kong gawin iyon sa'yo kasi... Ano ba Pinam ayusin mo naman ang hawak parang paling ata?"
Nangunot ang noo ni Shery sa kanyang narinig. Agad niyang hininto ang video at ni-rewind.
"Sa idad mong iyan hindi mo pa dapat dinaranas 'yung ganitong hirap at pasakit pero kailangan kong gawin iyon sa'yo kasi... Ano ba Pinam ayusin mo naman ang hawak parang paling ata?"
Kasi ano lolo? May iba pa bang dahilan bukod sa nalalaman ko? Muli niyang ni-rewind at pinakinggan ang sinabi ng kanyang lolo dahil baka sinabi rin agad at nabingi lang siya. Nilinis pa niya ang tenga dahil baka sa kakaiyak ay nabingi na siya.
"Sa idad mong iyan hindi mo pa dapat dinaranas 'yung ganitong hirap at pasakit pero kailangan kong gawin iyon sa'yo kasi... Ano ba Pinam ayusin mo naman ang hawak parang paling ata?"
Pinam? Sino si Pinam?
Agad siyang napatayo nang maalala ang magazine na pag-aari ni Paper.
Binanggit ni Paper ang tungkol sa kanya hindi kaya siya rin ang Pinam na tinutukoy ni lolo?
---
BINABASA MO ANG
PASSWORD (Completed) (Raw)
Mystery / ThrillerHighest rank#132 in Mystery - August 27, 2017 Alamin natin ang misteryo kung paano mapagtatagumpayan ni Shery Hanzrouie ang pagsubok na iniatang sa kanya ng kanyang Lolo Louise. Kung saan noong una ay inakala niyang para lamang gawin siyang isang...