ANG tahimik na gubat ay sinakop ng malakas na hangin. Bawat puno ay parang sumasayaw ayon sa ritmo ng hangin kasabay ng mga dahong nalagas na siyang halos nililipad sa iba't-ibang direksyon. Kasabay ng malakas na hangin ang pagliwanag ng bilog na siyang pinagdalhan kay Shery.
Halos tumagal iyon ng ilang oras hanggang sa 'di kalaunay nagbukas ito.
Iniluwa noon ang isang babaeng tila isang mandirigma ayon sa kanyang pagkakaluhod. Nakayuko ito at hindi kumikilos hanggang sa biglang kumulog na para bang senyales upang gumising.
Tumayo ito matapos ay tumingala sa madilim na langit.
"Katie!"
TULALANG niyakap ni Katie ang sarili, balisa itong humarap sa bintanang bukas.
"Patayin mo si Shery para mabuhay si Brent..." Tinignan ng masama ni Katie si Yvon noong hawakan siya nito sa kamay.
"Kung hindi magpaalam ka na kay Brent!"
"Bakit ko papatayin ang kambal ko? Nababaliw ka na ba?"
Napansin niya ang pagbaba ng paningin ni Yvon sa kanyang leeg.
"Nagustuhan mo ba 'yang kwintas na suot mo?" pag-iiba ni Yvon habang nakangisi. Nagtatakang kinapa naman niya ang leeg matapos ay naalarma, "Paanong?"
Nagustuhan ni Yvon ang reaction ni Katie kaya hindi nito napigilan ang tumawa nang malakas, "Noong inatake ka ng asthma regalo ko sa'yo!"
Puno ng takot na napa-atras si Katie saka umakmang tatanggalin ang kwintas, "Sige tanggalin mo para mapadali ang buhay mo!"
Nangilabot si Katie at napaluhod, umiiyak itong napasandal sa pader.
"Ano ang bagay na 'to? Bakit ako mamamatay dahil dito?" Naalala niya ang suot na kwintas ni Brent saka tinignan si Yvon nang hindi makapaniwala.
"Bakit mo ginagawa ito sa amin!"
Nagpalatak si Yvon saka pumantay sa nakaluhod na si Katie, "Tinutulungan nga kita e pagkaganitong mag-isa ka at namatayan dapat nagdadamayan tayo. Nasaan ang kambal mo? Umalis at hindi manlang nagsabi kung saan pupunta. Inabanduna ka niya Katie. Tignan mo 'tong si Brent naging ganyan siya dahil hindi siya ang pinili ni Shery dahil ang gusto nito ay si Evo. Si Evo na pinsan niya! Akala ko ba matalino siya? Ano bang klaseng tao 'yang kambal mo? Tapos nabalitaan ko pang siya ang huling kausap ni lolo bago ito bawian ng buhay." Sinapo ni Yvon ang noo saka umarteng naiiyak.
BINABASA MO ANG
PASSWORD (Completed) (Raw)
Mystery / ThrillerHighest rank#132 in Mystery - August 27, 2017 Alamin natin ang misteryo kung paano mapagtatagumpayan ni Shery Hanzrouie ang pagsubok na iniatang sa kanya ng kanyang Lolo Louise. Kung saan noong una ay inakala niyang para lamang gawin siyang isang...