PASSWORD : Lets enjoy the moment and forget the reality

928 57 28
                                    



"Sir Louise oras na po para umalis!"


Naabutan ni Mr. run na magkayakap ang mag-lolo kaya agad siyang umatras at isinara ang pinto.


Sa sandaling magsara ang pinto muling hinarap ni Shery ang kanyang lolo. Nakangiti niyang inayos ang neck tie nito saka pinagpag, "Ang gwapo talaga ng Lolo ko mana ako na maganda!"


Tumawa ang kanyang lolo, tawang ngayon lamang napakinggan ni Shery kaya nagawa niyang pumikit at kinabisa iyon sa isip. "Ang ganda po pakinggan ng halakhak ninyo Lolo siguro ganyan din po ang kay Papa!"


Nabura ang saya sa mukha ng matanda, naalala kasi niya ang anak na si Flynn Hanzrouie. Totoo magkaparehas sila ng tawa kaya agad siyang nakaramdam ng awa kay Shery noong banggitin iyon. "Teka apo may ibibigay nga pala ako sa iyo!"


Mabilis kumilos ang matanda at may kinuhang maliit na bagay sa table nito. Sa muling paglapit kay Shery agad niyang inipit sa kamay nito ang bagay na iyon saka dinampian ng halik ang ulo ng apo.



---



MULA sa bintana ng kanyang kwarto, tinatanaw lamang ni Shery ang papasakay na si Louise Hanzrouie sa itim na sasakyan. Ilang saglit pa ay kasunod na nito si Katie na taliwas ang porma sa kanyang Lolo na casual lamang.


Sa noo'y pagkilos ng sasakyan agad napiga ni Shery ang flash disk na hawak mula sa kaliwang kamay, Lolo pangako magsisikap ako sa gayon hindi na kayo aalis ako na pong bahala. Ayokong lalayo pa kayo sa amin ni Katie dahil ako ng bahala.


Tuluyan nang nawala sa paningin ng dalaga ang sasakyan, kaya ang maliwanag na harapan ay muling nagdilim.


Sa pagtalikod ni Shery agad siyang napa-atras sa gulat, "Susko Mr. Run papatayin mo ako sa nerbyos!" reklamo niya habang salo ang dibdib.


"Paumahin Miss," dispensa nito kaya agad kumalma ang dalaga at sinilip ang relo. "Tingin mo Mr. Run bukas pa ang SmokeGun ng ganitong oras?"


Saglit na nag-isip ang matanda kaya ang naiinip na si Shery ay agad lumakad patungo sa pinto, "I better check it by myself, bye Mr. Run!"


Ilang minuto ang lumipas nakita nalang ni Shery ang sarili sa comfort room ng SmokeGun na nagtatali ng buhok. Matapos magtali ng buhok sinilip niya ang sarili sa harap ng salamin, "Ano bang ginagawa ko rito?" Nagpamewang ito at muling bumuntong hininga.



---



"Bakit ka ba ganyan ha?" bulyaw ni Yvon kay Evo noong tanggalin nito ang pagkakayakap niya.


Nagtungo si Evo sa harap ng cabinet upang kumuha ng pamalit na polo shirt. Tahimik lamang ito sa pagbutones ng kanyang damit hanggang sa bigla siyang harapin ni Yvon, "Pang ilang beses ko bang sasabihin sa iyong huwag mo akong tignan bilang kapatid mo lamang dahil kailanman hindi kita itinuring na kapatid."

PASSWORD  (Completed) (Raw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon