"Apo bakit hindi mo ako dinadalaw dito?"
Nabigla si Shery sa biglaang tawag ni Mr. Run pero mas nagulat siya dahil si Lola Milagrosa pala ang nasa kabilang linya.
"Lola Mi..."
"Alam mo bang tumataba na ako salamat kay Ginoong Run at sa pamilya niya. Alam mo ba apo Shery may tinahi akong damit sana masuot mo iyon. Pasensiya ka na kung hindi kagandahan ha pero alam ko gaganda ito pagsuot mo na maganda ka kasi iha pang-model." Napangiti ng 'di oras si Shery kahit pa ang daming alalahanin dahil sa sinabi ng matanda.
Gusto ko po kayong yakapin ngayon lola sa gayon pakiramdam ko mayayakap ko rin si lolo.
"Kapag nagpunta ka rito sukatin mo rin 'yung ginawa kong dress na itim." Agad nawala ang sayang nararamdaman ni Shery sa binanggit ng matanda, "...kasi alam ko gagamitin mo ito sa mga susunod na araw."
Kaba ang sumakop sa buong sistema ni Shery kahit na alam niya na ang balita hindi pa rin kasi siya handang tanggaping wala na ang kanyang mahal na lolo.
"Pero nagtahi rin ako ng puting dress. Gagamitin mo naman iyon--"
"Hello teka bakit parang humihina ang signal. Huwag kang mag-alala lola pag hindi na ako busy pupunta ako diyan." Agad pinatay ni Shery ang tawag noong makita ang taong sumusunod sa kanya na may kausap. Para bang pinapakinggan nito ang kanilang pinag-uusapan.
Ang galing. Ang galing mo kung sino ka man. Magtutuos tayo at titignan natin kung sino ang mas magaling.
Agad niyang iniwan sa isang waiter ang isang libo kahit pa hindi naman aabot sa ganoong amount ang kanyang ininom na alak.
Sa daan dahil kabisado niya ang bawat sulok ng lugar nagawa niyang iligaw ang sumusunod sa kanyang sasakyan at agad nagtungo sa bukid.
Pinatay ni Shery ang makina ng sasakyan noong makarating ito sa bukid kung kaya mabilis binalot ng dilim ang paligid. Nang makapwesto sa gilid ng sasakyan paharap sa bukid, huminga siya ng malalim saka pumikit. Tiis ang lamig ay inilahad niya ang kamay sa ere at nilanghap ang sariwang hangin. Nakapikit ang mga mata at nakatingala sa langit ang mukha.
Ang tahimik hindi katulad ng pagdalawa kaming narito. Maingay at.
Idinilat niya ang mata at minasdan ang mga bituin.
Malamig ngayon pero dati hindi ko iyon ramdam dahil palagi akong nagre-request sa kanyang yakapin ako.
Sumilay ang pilyang ngiti sa labi ni Shery nang maalala na ayaw pa noong una ni Evo pero nginusuan niya iyon kung kaya pumayag na rin ito. Akala niya mapapahiya siya, Wu susko kung alam ko lang pinangarap din niyang mayakap ako. Hambog na 'yon.
Agad siyang napalingon sa likuran noong may sasakyang papatungo sa kanyang pwesto. Tinakpan niya ang paningin dahil nakakasilaw ang liwanag na dala ng sasakyang iyon. Huminto ito hindi nga lang tiyak ni Shery kung saan gawi pero kumpirmado siyang huminto ito dahil sa tunog. Hindi rin niya matiyak kung bakit hindi siya natatakot o kinakabahan bagkus ay parang excited pa siyang malaman kung sino ang tao na ngayon ay nakatayo sa pagitan ng liwanag.
---
HINDI pinatay ni Evo ang unahang ilaw ng sasakyan sa gayon ay klarado niyang makita ang mukha ni Shery.
Huminto siya sa tapat ng sasakyan nito saka bumuntong hininga.
"Sino ka?" tanong ni Shery habang tinatakpan ang paningin mula sa liwanag. Agad lumakad palapit si Evo kay Shery upang tignan ang mukha nito pero napaatras siya noong pumiksi ito.
BINABASA MO ANG
PASSWORD (Completed) (Raw)
Mystery / ThrillerHighest rank#132 in Mystery - August 27, 2017 Alamin natin ang misteryo kung paano mapagtatagumpayan ni Shery Hanzrouie ang pagsubok na iniatang sa kanya ng kanyang Lolo Louise. Kung saan noong una ay inakala niyang para lamang gawin siyang isang...