PASSWORD : The Mission

927 51 31
                                    



"Hanep Evo! Kung hindi ka masaya sa party huwag mo naman ipahalata!"

Imbes na sumagot, itinaas lamang ni Evo ang parehas na kilay saka ulit humikab. Kanina pa kasi siya naiinip, hindi kasi niya interes ang ganitong kasiyahan. Ang nagpapasaya lamang sa kanya ay ang mag-ehersisyo, magbasa o minsan ay mag-clash of clan.

Pumalatak ang kaibigan ni Evo upang ipabatid sa kanyang hindi maganda ang inaasal pero patuloy pa rin ito sa paghikab. Naging magkaibigan na sila mula pa lamang noong elementarya kaya batid na niya ang mga hilig nito pero habang tumatagal ay lalo itong nagiging misteryoso o mas nagiging ilag sa kahit sino kung minsan pa ay maging sa kanya.

Gusto sana niyang lumangoy ang kaso napuna niyang tulala si Evo. Sinundan niya ang minamasdan nito at muling nagpalatak.

"Kunwari inaantok pala ha! Kung alam ko lang Evo kanina mo pa tinitignan ang chick na iyan," ani uli nito habang naiiling. Nahuli kasi niyang nakatingin si Evo sa gitnang bahagi kung saan may babaeng nakapulang two piece.

Tumunog ang mobile ni Evo na nakalapag sa tabi lamang nito kaya agad niyang dinampot, napabaling pa ito sa kaibigan noong hampasin siya nito sa siko upang magpaalam na kukuha ng inumin. Tumango si Evo rito saka sinagot ang tawag.

"Tuloy ang plano!" Iyon lamang ang sinabi at agad naputol ang tawag. Nakayuko noon si Evo kaya noong iangat niya ang paningin agad niyang pinakatitigan ang babaeng nakapulang two piece. Pag nahuhuli niyang tumitingin ito sa kanya agad niyang binibigyan ito nang makahulugang ngiti.



---



INAYOS muli ni Shery ang suot na shades saka nagpatuloy sa paglalakad. Daig ng isang sikat na modelo ang bawat hakbang na ginagawa niya, nakataas ang baba at parang ipino-promote ang suot na bulaklaking shawl.

Doon siya dumaan sa kaliwang bahagi. Malawak kasi ang daan na iyon kumpara sa kanang bahagi na makipot. Wala siyang pakialam sa mga matang nakatingin sa kanya, gusto nga niya iyon. Pero ano ba ang misyon niya sa lugar na iyon?

Mula sa marahang hakbang gamit ang peripheral vision sinisipat niya ang kanang bahagi na mas maraming tao, isa-isa niyang ini-scan kung isa sa kanila si Iniego. Salamat sa suot na shades at hindi halata ang ginagawa niya. Sawing pakunwari'y humarap siya sa gitna papilig sa kaliwa hanggang sa matunton ang taong hinahanap.

Agad siyang huminto at ngumiti. Mula kasi sa gawing kaliwa nakita niya si Iniego na nakikipaghuntahan.

Mula sa pagtawa nakaramdam si Iniego na parang may nakatingin sa kanya kaya nilingon ang gawi ni Shery.

Hindi man kumpirmado si Shery kung sa kanya ito nakatingin malakas ang kutob niyang siya ang pinapatukuyan nito noong itinaas ang basong hawak saka ngumiti nang makahulugan.

Hindi naman pala mahirap landiin ang isang ito. Bulong niya sa sarili, sa muli niyang paghakbang agad siyang naparalisa sa pwesto noong may sumigaw mula sa likuran niya.

"Best friend!"

Bakit ba nakalimutan ko siya? Mula sa malalim na pag-iisip muling nagsalita ang babaeng sumigaw mula sa likuran.

"Ano ba iyan sana sinabi mong maggaganyan ka edi sana nag-floral din ako, unique ka talaga best friend."

Gustong pitikin ni Shery ang noo sa narinig. Naiirita kasi siya sa maingay na si Cambria, bata palang kasi sila ay hinahangaan na siya nito. Kung anong mayroon kay Shery dapat ay mayroon din siya. Noong una pa nga inakala ng iba na trio ang anak ng Hanzrouie dahil iyon kay Cambria na pilit ginagaya si Shery.

PASSWORD  (Completed) (Raw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon