PASSWORD : Am I dreaming?

686 42 16
                                    


Colin Shery HAnzouie in the multimedia :)


Pangalawa ako?


"Pero alam mo Shery ang weird mo nga e ang layo agad nang nalangoy mo kumpara sa ibang mga babaeng kalaban mo 'yung totoo tama ba ang panukala ni Brent na mermaid ka?" biro ni Cage kaya si Shery na nakayuko ay napataas nang tingin sa kanya.


"Silence means yes?" dugtong pa ni Cage habang umiiwas sa nakakatakot na tingin ni Shery.


Muling yumuko si Shery at nag-isip. Sa totoo lang pakiramdam ko kasi parang hinahabol ako ni kamatayan. Kahit sa reyalidad parang hindi totoo ang lahat ng nangyayari. Nananaginip pa rin ba ako?


"Oh saan ba kayo galing Paperdolls?"


Inangat ni Shery ang paningin at sinalubong ang tatlong dalaga na siyang pawang hinihingal buhat sa kanilang pinanggalingan.


"Mauna na ako Perry and Dolly," paalam ni Paper na ikinatango naman ng dalawa. Bumuntong hininga ito saka nagpatuloy, "Miss Shery totoo ang resulta. Si Evo talaga ang champion. Nakita ko ang mga puntos, kung paano natuos ang total score at kung ano ang basehan lahat ay totoo at walang daya. Kahit pa lalaki ang naging champion may criteria na basehan kung paano siya ang nanalo at hindi ik--" hindi nito natapos ang sasabihin noong gumawi sa kaliwa ang ulo ni Shery na para bang nakutuban niyang hindi na dapat pa niya sabihin ang susunod na kataga.


Napalunok si Paper noong lingunin uli siya ni Shery. Kung kanina ay kabadong-kabado siya ngayon ay halos naging doble o triple iyon. Kung paano tumingin si Shery para bang hindi ito satisfy na parang may mali.


"Dolly may sasabihin ka ba?" singit ni Cage kaya nagawi ang paningin ni Shery ngayon kay Dolly na kalmado sa kanang bahagi ni Paper.


Mabilis nakahinga ng maluwag si Paper noong makatakas sa nakakatakot na tingin ni Shery na ngayon ay nakatuon kay Dolly.


"Okay na ang lagay ni Lola milagrosa pinapasabi niyang sana paunlakan mo ang puntahan siya minsan pag nakaluwag ka raw sa oras," panimula ni Dolly saka may kinuhang bagay sa loob ng bag niya. "Ito pala pinabibigay niya kakailanganin mo raw 'yan."


Inabot ni Dolly ang panyo na kulay puti kay Shery.


Pagkakuha noon ni Shery agad siyang nagtaka at tinignan si Dolly, "Tinanong ko siya kung para saan iyan pero hindi siya umimik."


Kahit nagtataka ay sinilid ni Shery ang panyo sa kanyang bulsa saka tumingin kay Perry na parang naparalisa noong mapansin nito ang hawak niyang larawan. Katulad kasi ni Paper hindi magandang balita ang manggagaling sa kanya at tiyak na susungitan nanaman siya nito.

PASSWORD  (Completed) (Raw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon