NAGISING si Shery dahil sa maingay na bagay. Natamaan kasi ng kanyang kamay ang side table na kinalalagyan ng mga ginamit niya kagabi.
Sa kanyang pagsilip sa ibaba nakita niya sa sahig ang flash disk na binigay ng kanyang Lolo. Kumurap-kurap pa siya nang biglang maalala na gusto ng kanyang lolo ipapanood sa kanya ang video na naka-save sa usb na iyon.
Nawalan na siya ng oras dahil ang araw na pag-alis ng kanyang Lolo ay ang araw din ng muli nilang pagkikita ni Clothe Man. Dinampot niya iyon siyang saktong ring naman ng kanyang mobile.
"Ano ba lahat nalang maingay."
Ibinagsak niya ang sarili sa kama at tinakpan ang mukha ng unan.
"You used to call me on my cellphone. Late night when you need my love." Kumunot ang noo niya sa narinig na ringtone. Iyon kasi ang sinadya niyang ringtone kapag si Clothe Man ang tatawag o kapag may mensahe siyang matatanggap mula rito.
Agad siyang bumangon at nadismaya sa pagkahuli noong mapalitan nang missed call ang kaninang larawan ni Clothe Man na nakangisi habang naka-peace sign. Nagngangalit ang panga niyang bulong, "Tumawag ka ulit."
Ngayon ay naka-upo na siya sa gilid ng kama at tinitignan ang pigura sa vanity mirror. Tahimik lamang siyang naghihintay, iniisip kung ano ang mga dapat sabihin kapag muli itong tumawag.
Napatayo siya ng makaramdaman nang pangangawit, "Paasa!" Gamit ng kamay sinuklay niya ang buhok at padabog na binalya ang make-up table.
"Alam mo Clothe Man sinasagad mo talaga ang pasensiya ko. Pinaglalaruan mo ba ako? Huh?"
Agad bumukas ang pinto ng kwarto ni Shery at iniluwa noon si Katie na palinga-linga.
"Anong nangyari? Sinong kausap mo"
Hindi alam ni Shery ang isasagot niya, kinakabahan din siya kung narinig ba ni Katie ang binanggit niyang pangalan. Para bang nahuli siya ni Katie na nagsusukat ng costume nito at ngayon ay hindi niya alam ang ipapalusot. Napalakas yata? Asar!
Iginapang niya ang kamay sa kanyang likuran upang abutin ang kanyang cellphone. Sa noo'y pag-abot niya noon mabilis niya itong itinapat sa kanyang tenga nang hindi tinitignan, "Susunod ako diyan Cage, Bye!" Ibinalik niya sa likod ang cellphone saka tumawa nang pagak. Samantalang si Katie na nakamasid sa kanyang kalokohan ay nakakunot lang ang noo.
"I said Cage. Who do you expect me to talk?"
"Poor Cage. Palagi mo nalang sinisigawan ang poging 'yon. Minsan iniisip ko kayo ba ng kababata nating 'yon. Infairness he's hot. Approve siya sa akin sissy."
Sumama ang mukha ni Shery sa binanggit ng kapatid pero naagaw ng kanyang atensyon ang relong may disenyong bulaklak na matatagpuan malapit sa pinto kung saan nakatayo si Katie. Sinundan ni Katie ang minamasdan ni Shery kaya't pinagdaop nito ang parehas na kamay saka kinilig, "Oh my God. Did you like it? I bought it for you since floral is your taste."
Shery rolled her eyes and heaved a sigh.
"Hindi ba't may photoshoot ka kada sabado. 7:29 na. Sa pagkakatanda ko alas ocho dapat nandoon ka na..." Natapos ang sasabihin ni Shery saktong sara ng pinto. Mas matanda siya sa akin pero mas bata kung mag-isip.
Tumalikod siya upang damputin ang cellphone na inilapag kanina. Agad siyang naparalisa sa kanyang natunghayan na bagay na naroon. It's my square mirror.
Muling bumukas ang pinto kaya't napagitla si Shery, "Hindi porket may photoshoot ako ngayon ay hindi na kita papanoorin. Syempre dapat naroon ako para i-cheer ka. Galingan mo mamaya, I love you Shery!"
BINABASA MO ANG
PASSWORD (Completed) (Raw)
Mystery / ThrillerHighest rank#132 in Mystery - August 27, 2017 Alamin natin ang misteryo kung paano mapagtatagumpayan ni Shery Hanzrouie ang pagsubok na iniatang sa kanya ng kanyang Lolo Louise. Kung saan noong una ay inakala niyang para lamang gawin siyang isang...