PASSWORD : Best Friend

1K 49 24
                                    

[Kate Flynn Hanzrouie as SeoHyun. Credit the picture to the real owner! Wala akong mahanap na naka-one piece siya sorry. Kaya iyong ganyan nalang. Natatawa ako habang ginagawa ito, sana maisalaysay ko ang lahat ng nasa imahinasyon ko.]


Mula sa kanyang upuan, pumalumbaba ang dalaga upang isipin ang sagot sa isinulat ng guro sa pisara.

Naisip na niya ang sagot sa tanong pero hindi niya iyon mas pinagtuunan dahil mas tumatak sa isipan niya ang itsura ni Iniego.

Ibinigay kasi ni Dolly ang larawan nito sa kanya na hindi naman sinasadyang natanaw pala ni Cage na katabi niya.

Ang larawan ni Iniego ay buhat sa isang swim wear photoshoot kaya naman lantad ang itaas na katawan na siyang nagpabuhay sa dugo ni Cage. Gusto nitong tignan iyon pero ayaw ni Shery kaya naghilaan ang dalawa hanggang sa mahati ang larawan. Nakuha ni Cage ang ibabang bahagi kung saan kita ang naka-expose na katawan ng binata samantala kay Shery ay mukha lamang ni Iniego.

May nakasagot sa naunang tanong at ngayon ay napalitan ng panibagong katanungan. Saglit na pinasadahan ni Shery iyon at nang maisip ang sagot siyang lahad ng kamay.

Nakita siya ng professor kaya agad siyang tinawag nito, "Yes Miss Shery!"

"One half!" Matapos magsalita sinipat niya ang suot na relo, Times up!

"Very well said, okay class answer all the questions on page 10 that will be your assignment. See you on Monday!"

Matapos ayusin ang lahat ng gamit agad lumakad ang dalaga patungo sa locker upang iwan ang ilang textbook na hindi naman kakailanganin.

Hawak ang libro ng Science at Business Management pinagpag muna niya ang ilang natulog na libro roon. Kumpara kasi sa ibang estudyante ay malaki ang kay Shery kaya halos kayang okupahin ng sampung libro iyon samahan na rin ng ilang gamit dahil hinati iyon sa dalawa.

"Yvon is genius. Akalain mong siya halos ang napuri sa Lab kanina. Beauty and Brain total package of Yvon Craig!"

Mula sa narinig naging mabagal ang paglapag ng libro ni Shery. Yvon Craig? I think I know her I just can't recall when and where?

Ang dalawang dalaga na nag-uusap ay halos kadikit ng locker ni Shery kaya rinig na rinig niya ang ilan sa pag-uusap pa nito.

"You know Craig is next to Hanzrouie's popularity. Baka nga halos malagpasan na nila iyon balita kasing hindi naman matalino 'yong isa sa Hanzrouie. To think Evo Craig is top one and no one can defeat him," mahabang salaysay noong nakapink skirt habang kumukuha ng ilang libro na gagamitin sa kanyang susunod na subject.

"Yeah I like Evo. Believe me he's hot even if he's recluse!" Kontodo suporta naman noong plinantsa ang buhok matapos ay sabay silang kinilig lalo noong dumaan ang tinutukoy.

Mula sa kanyang posisyon nangunot ang kilay ni Shery noong maamoy ang pamilyar na scent na tingin niya ay naamoy na niya sa kung saan man?

Sa pagtalikod niya sa locker ang nakita na lamang niya ay ang papalikong lalaki.

"I told you he's goddamn hot!" komento noong dalawang babae na nakapwesto sa harapan ni Shery na kagaya niya ay nakalingon din sa nilikuan noong lalaki.

Evo Craig at Yvon Craig sino kayo? Kaanu-ano ninyo si Victory Hanzrouie Craig?

Nagtungo ang dalaga sa library. Doon siya lumiko sa section kung saan pili lang ang nakakapasok dahil ang ilang impormasyon doon ay pribado. Dahil si Shery ay may passes doon agad siyang nakapasok sa silyadong kwarto at hinanap ang yearbook ng kanyang ama.

PASSWORD  (Completed) (Raw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon