"Evo may magandang babaeng naghahanap sa'yo. Sa room 3 daw siya maghihintay!"
Kasalukuyang nagre-refill ng napkin si Evo nang mapahinto dahil sa narinig, "Had you asked her name?"
"Shery. Shery daw ang—uy Evo." Nagkamot ito ng ulo bago bumulong, "Sino ba 'yon? Bahala ka nga!"
Ang bilis ni Evo. Halos hindi na niya alintana ang pagod at natagpuan nalang ang sarili sa tapat ng pinto. Hindi niya maipaliwanag ang mararamdaman, sa sobrang saya niya gusto niya wasakin ang pintong nasa harapan. Pinihit niya ang seradora, sarado?
Bigla niyang naalala na specialize ang pinto ng bawat kwarto sa third floor. Nagkataon ang para sa room 3 ay ang pagpito. He takes a deep breathe, and then let out the air through blowing. The door automatically open.
Naging mabagal ang oras noong mabungaran niya ang dalagang nakatalikod. Nanigas pa siya sa kinatatayuan nang lingunin siya nito saka ngumiti. Tuloy hindi niya na napigilan ang takbuhin ito upang mayakap.
Halos isang hakbang nalang makakalapit na siya sa dalaga, nang biglang napatigil dahil halos halikan niya ang palad nitong tumatakip sa kanyang mukha. "Baka nakakalimutan mo may kasalanan ka sa akin." panimula ni Shery na ikinangiwi ni Evo.
Umatras ito upang magpaawa, "Anong ginawa ko?"
Gumuhit ang pilyang ngiti sa labi ni Shery kasabay nang paniningkit ng mata nito. "Hindi mo matandaan?" Agad nag-isip si Evo na ikinapuna ni Shery. Hambog nga talaga! Humalukipkip siya upang hintayin ang isasagot nito.
Ang dami kong kasalanan sa kanya, alin ba ro'n ang tinutukoy niya? Nagkamot ng batok si Evo saka ngumiti ng alanganin. "Hindi ko maisip e!" Agad nawala ang ngiti sa labi niya noong humakbang si Shery na seryoso at hindi inaalis ang tingin sa kanya. Napalunok pa siya noong mababa ang paningin niya sa mapulang labi ni Shery. Para bang inaakit siya niyon at sinasabing tikman ito, ngayon na.
Tumaas ang tingin niya sa mata ni Shery. Halos pagpawisan siya ng malapot nang mapansin ang hindi pagkurap nito, para bang gusto nitong mahulog siya sa gayuma nito at sumunod sa iuutos. Halos manigas siya nang maramdaman ang mainit na braso ni Shery. Kumpara noon iba ang sensasyong dala nito, nakakadala at parang walang pagtutol sa buong sistema niya.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan naipikit ni Evo ang mata.
Hindi mapigilan ni Shery ang sarili. Impit ang pagtawa, nilapit pa niya ang mukha kay Evo. Huminto siya noong tumama sa ilong niya ang hininga ni Evo. Lalo tuloy siyang nahirapan magpigil nang tawa dahil ramdam niyang pinipigilan ni Evo ang huminga sa kaba.
Shit. Ang tagal yata? Naidilat ni Evo ang mata at nasapo ang noong nasaktan. "Masakit ah!" reklamo niya rito na naabutan niyang naka-upo at sapo ang tiyan sa kakatawa. Iyon na 'yon e. Sayang, asar! Hinihimas ang noong nasaktan tumingin sa ibang gawi si Evo.
Huminga ng malalim si Shery saka tumayo, aalalayan sana siya ni Evo kaso hindi niya iyon pinaunlakan. Inayos niya ang sarili bago tumitig kay Evo na halatang nagtatampo.
Nguso pa sige. Natawa bahagya si Shery dahil sa itsura ni Evo.
"Parusa ko sa kasalanan mo sa akin 'yan." aniya, tila ba pinapangaralan si Evo sa porma ng pagkakapamewang. Kaalinsunod naman ay talagang umasta si Evo na parang nangangako na hindi na ulit siya gagawa pa nang pagkakamali o kasalanan basta hayaan lang siyang kawawain ang nang-aakit niyang labi.
"May naisip akong paraan para mabaliwala ang parusa mo!" Pinorma pa niya ang hintuturo, kasabay nang pagliwanag ng mukha ni Evo, Yes. Ano 'yon dali!
BINABASA MO ANG
PASSWORD (Completed) (Raw)
Mystery / ThrillerHighest rank#132 in Mystery - August 27, 2017 Alamin natin ang misteryo kung paano mapagtatagumpayan ni Shery Hanzrouie ang pagsubok na iniatang sa kanya ng kanyang Lolo Louise. Kung saan noong una ay inakala niyang para lamang gawin siyang isang...