PASSWORD : It's not too late!

545 29 13
                                    

[a/n Let me help you with this chappy. Iyong naka-itallic ay ang nakaraan. Pero mapapansin niyong may ilang naka-itallic na thoughts ni Shery. Sa naguguluhan po malaya kayong i-pm ako, I'm always online but I'm not saying I can response as quick as I can but surely I will reply. About the story... Enjoy!

Lee hi as Yvon]



DAHAN-dahan sa pag-akyat si Shery hanggang sa makatapat sa naka-uwang na pinto. Humugot siya ng lakas ng loob bago iyon itinulak, saglit pa'y bumungad sa kanya ang pigura ng isang babaeng may hawak na garapon. Nakataas ang kamay nito at handang ihagis ang hawak, kaso naudlot iyon nang maramdaman na may tao.



Naibuka ni Shery ang bibig noong lingunin siya nito. Yvon? Pero mas natuon ang atensyon niya sa laman ng garapong ihahagis nito.



Agad siyang nahilo nang biglang sumagi sa isip niya ang imahe ng isang batang babae. Seryoso ang mukha nito at masama ang tingin sa isa pang batang babae. Nagbago ang mga nangyayari, biglang nilusak ng batang babae ang ibon.



Napa-upo si Shery sa kanyang natunghayan na para bang ang masakit sa loob niya. Hindi niya maintindihan ang sarili dahil biglang may mga nakikita siyang hindi niya maunawaan.



Tumingin ng pailalim si Yvon kay Shery.



"Gusto mong tulungan kita?"



Napapikit si Shery sa sakit ng ulo niya, kaya iyon ang naging kasagutan upang ibagsak ni Yvon ang hawak na garapon.



Nagliparan kung saan-saan ang mga bubog, may ilan ay lumikha ng sugat sa binti ni Yvon at ang ilan ay tumalsik sa braso niya. Dahil doon tuluyang naagaw ng kanyang atensyon ang ibon na lumagak sa bandang paanan niya.



Nanginginig ang pangang umatras siya, dahil ang katas ng tubig ay dumadaloy patungo sa kanyang paanan, "Huwag ka mag-alala gagamutin ko ang alaga mong ibon!" Naiiling siyang napasigaw noong mabasa ang unahang suot na sapatos.



"Ayoko nga. Nangako akong papagalingin ko siya kaya dapat bumalik na siya sa dati!"



Tinakpan niya ang tenga dahil meron siyang naririnig na boses. Tinignan niya si Yvon pero nakatingin lang ito ng masama sa kanya at hindi nagsasalita.



"Hindi mo siya kailangan buhayin dahil papatayin ko dapat 'yan dumating ka lang. Alam mo huwag kang nangingialam."



Natatakot siyang napalingon sa kanang bahagi at inipit ang tenga.



"Dahil sa pagiging pakelamera mo tignan mong napala mo. Akala mo ba pasasalamatan kita dahil nabuhay ang ibon?"



Nilingon niya sa sahig ang ibon kasabay nang panginginig ng kanyang baba. Nanghihinang napasalampak siya saka tinitigan ng maigi ang ibon, "Hindi ko alam kung anong dahilan mo kung bakit mo siya pinatay. Basta naniniwala akong kaya mo ginawa iyon dahil 'yon ang nararapat para mas maging tahimik siya at hindi na mapagod. Naiintindihan kita!"



Ang mga katangang iyon ang gumising sa kanyang ala-ala, "A-ako ang ma-may kasalanan kaya ka nagkaganyan?"



Nagsimulang dumaloy ang luha sa mata ni Shery dahil klarado niya nang naaalala ang mga nangyari noon.



Tumaas ang kaliwang kilay ni Yvon dahil sa tinuran ni Shery.



"Bata ano 'yan?"



Napatingin sa likuran si Yvon noong may marinig na nagsalita roon. Hindi niya ito inimik bagkus ay tinulak saka umalis.



"Huwag ka mag-alala gagamutin ko ang alaga mong ibon!" rinig niyang sigaw ng batang babae.



PASSWORD  (Completed) (Raw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon