PASSWORD : Clothe Man?

523 25 15
                                    



Sa inis ay halos malamukos ni Shery ang sulat na pinadala ni Victory. Inaanyayahan kasi siya nito sa isang simpleng salu-salo ng pamilya.


Ang kapal ng mukha niyang mag-celebrate!


Marahas niyang dinampot ang cellphone at tinawagan si Dolly!


"Ako 'to Dolly gusto kong i-recheck ang background ng pamilyang Craig. Makakaya mo ba? I want full details with picture."


"Naku Miss Shery namiss ko po kayo. Sige po gagawin ko 'yan ngayon dahil free ako."


Huminahon si Shery saka umupo sa sofa, "Salamat Dolly! Salamat sa inyong Paperdoll!"


"Wala 'yon Miss Shery."


Papatayin na sana ni Shery ang tawag nang maalala na baka mapahamak ang paperdolls pagnagkita pa sila.


"Dolly i-send mo nalang sa email ko."


Nagtaka si Dolly sa sinabi ni Shery pero naiintindihan niya ito, "Masusunod Miss Shery!"


"Palagi kayong mag-iingat at maging alerto. Huwag kayong kakausap ng hindi niyo kilala lalo't pagnagtanong ng tungkol sa akin. Sabihin niyong hindi niyo ako kilala!"


Agad niyang pinatay ang tawag saka tumulala. Aminado si Shery napamahal na sa kanya ang tatlong maria. Kahit pa minsan ay nasisinghalan at napaglalabasan niya ng galit ang tatlo ay naging loyal ang mga ito sa kanya. Saglit pa'y naalala niya si Cage.


Parang isang alarma at agad siyang kinabahan. Hays ang baklang 'yon baka kung kani-kanino sumama at naku po.


Agad niyang tinawagan ito at kamalas-malasan lang ay hindi nito sinasagot ang tawag niya.


"Ano ba Cage sagutin mo ang tawag ko!"


"Hello?"


Agad nanlaki ang mata ni Shery sa narinig na boses.


"Sino 'to?"


"Hay ano ba ikaw ang tumatawag tapos ako ang tatanungin mo!" Shit! Napatayo sa inis si Shery saka pumamewang.


"Caleb akin na nga 'yang cellphone ko sira ulo ka bakit ka nangingialam nang may gamit huh!" Si Cage 'yon ah! "Hello? Cage? Cage?"


"Kalma Shery ako 'to si Cage, napatawag ka?"


"Ako ang papatay sa'yo bakla ka bakit may lalaking sumagot ng tawag ko?" Nanggagalaiti man ay kahit papaano nawala ang kaba na kanina ay halos sumakop sa buong sistema ni Shery. Mahalagang kaibigan si Cage para sa kanya dahil ito na halos ang naging sandigan niya sa bawat kalungkutang sinasapit niya sa kanyang lolo.


"Sorry naman kasi... Teka lang huh! Ikaw nga riyan ang hindi nagpapakita. Ano ba Shery hindi ka na nagbigay galang sa lolo mo bakit hindi ka nagpunta?"


"I will go to your house. I'll explain everything!"


Pinatay niya ang tawag saka naghanap ng cardigan. Sa noo'y pagbukas niya ng cabinet agad siyang nag-panic. Mr. Run, Lola Milagrosa, Pinam and Katie.






---






NATAPOS ang buong araw ni Shery na kinumpirmang okay ang lahat ng mahahalagang tao sa kanya. Halos dalawang oras nalang at alas dose na nang matapos niyang makausap si Pinam. Inabisuhan niya ang lahat na manahimik at huwag makikipag-usap sa hindi nila kilala lalo't kapag tinanong siya'y sabihing hindi siya kilala.


PASSWORD  (Completed) (Raw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon