PASSWORD : Craig Family

656 31 14
                                    


AGAD bumaba ng sasakyan si Shery nang mapansin ang dami ng tao sa labas ng mansyon.samantalang nangingiti si Ginang Pinam sa ideyang naisip niya dahil ang anak ni Ricardo ay kagandahang lalaki kung kaya parang perpekto pa ang pagkakataong ito upang magtagpo ang magandang dalaga at ang binatang apo ni Ricardo.

"Ano pong meron diyan?" usisa ni Shery sa katabing babae na gaya niya ay nakikisilip din sa loob.

"Ay naku pinatay daw lahat ng tauhan diyan kaya nga nalulungkot kami kasi pati rin 'yung poging may-ari pinatay din."

Natigilan si Shery sa narinig saka nilingon si Ginang Pinam na nasa gawing kaliwa niya.

They know my moves. This is ridiculous. Dala nang pagkadismaya ipinikit ni Shery ang mata saka hinilot ang sentido.

Nagising sa reyalidad si Shery noong hawakan siya ni Ginang Pinam sa braso.

Inaaya siya nitong umalis na pero hindi niya maihakbang ang mga paa, para bang may pwersang nagsasabing pumunta siya roon. Tumango siya sa ginang at muling nilingon ang mansyon. Nariyan ang sagot babalik ako at hahanapin iyon.

Habang nasa biyahe tahimik lamang si Shery. Ang daming naglalaro sa isip niya. Bakit nanggaling kay Victory Craig ang impormasyon na patay na ang kanilang lolo? Bakit nawawala si Ricardo at bakit pinatay ang po nito? Ang lugar na pinagdalhan sa kanya saan iyon? Bakit kinailangang maging handa siya sa laban? Bakit siya lang at hindi kasama si Katie? Bakit siya?

"Sino kayo?" bungad ng ginang sa tatlong lalaking naka-three piece suit na itim.

"Pakiusap maging ligtas po kayo hayaan niyo pong samahan nila kayo kahit sa ganitong paraan alam kong ligtas kayo dahil tiyak magagalit sa akin si lolo kapag pati po kayo ay napahamak." nakayukong wika ni Shery habang ang ginang ay naluluha noong banggitin nito ang tungkol sa dating irog.

Agad niyang inabot ang parehas na kamay ni Shery saka ngumiti, "Apo makakaasa ka. Huwag mo akong alalahanin basta palagi kayong mag-iingat ni Katie."

"May hiling lang po sana ako kung pwede pahiramin niyo po ako ng sasakyan."





----





Pagdating niya sa mansyon inaasahan niya magiging mahigpit ang seguridad ng police pero laking gulat niyang wala na ang mga police. Kahit isa manlang ay wala kung kaya naging madali sa kanyang makapasok.

Dahil madilim at tahimik maingat ang bawat hakbang ni Shery. Kumpara kasi sa may tao na nakabantay at least alam mo kung nasaan ang kalaban ngayon kasi ay wala na para bang nakikipaglaro siya nang tagu-taguan sa kalaban at kapag lumikha siya ng ingay katapusan niya na.

Katulad ng training niya nasubukan niya na ring mapunta sa madilim, mapanganib at masukal na lugar kung kaya kung nasaan siya ngayon ay wala pa sa lugar na pinuntahan niya noon.

Mula sa ikalawang palapag huminto siya sa tapat ng isang kwartong tila walang bahid ng krimen. Para bang iningatan iyong hindi magalaw o madumihan.

Luminga siya sa magkabilang daan saka pumasok sa bukas na kwarto. Salamat sa liwanag na dala ng buwan dahil malinaw niyang nakikita ang mga gamit sa kwarto. This is weird. Lahat kasi ng gamit ay maayos at walang nagulo. Kung magnanakaw ang pumatay sa mga tao rito edi sana magulo pero kahit man hindi magnanakaw ay paanong nanatili ang wkarto na ito na maayos at malinis.

Sinuri niya ang lahat ng gamit at napagtantong kwarto iyon ng apo ni Ricardo dahil na rin sa mga damit na panlalaki at sa larawang nakasabit sa itaas ng headboard ng kama. Nanatili siyang minamasdan ang larawan hanggang sa malipat ang paningin niya sa picture frame sa side table. Parehas kasi ang larawan na ginamit isang malaki at isang maliit. Umupo siya sa tabi ng side table saka dinampot ang picture frame. Parang nakita ko na sa school ang taong 'to pero hindi ako tiyak kung saan.

PASSWORD  (Completed) (Raw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon