PASSWORD

704 30 9
                                    

"The wounds are okay now. Ang mukha Iha ingatan. Maganda ka pa naman teka? Artista ka ba? Parang may kamukha ka eh!"

Nangingiti sa isang gilid si Evo

noong mahuli kung paano umikot ang mata ni Shery noong pagsabihan itong ingatan ang mukha niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

noong mahuli kung paano umikot ang mata ni Shery noong pagsabihan itong ingatan ang mukha niya.

Katulad ng nakagawian may dahilan siya kung bakit niya dinala si Shery sa ospital sa gayon masolo niya ito at obserbahan ang ilan pang mga tinatago nitong ugali idagdag pang malayo sa issue.

Napahinto siya dahil sa hampas ni Shery. Gusto niya itong tanungin kung bakit ginawa iyon pero nagulat siya noong hawakan nito ang kamay niya at hilahin palabas.

"Pwede naman sa clinic bakit sa ospital pa?" reklamo nito dahilan para kumirot ang sugat sa noo.

"Sigaw pa!"

Imbis na mag-alala ay pangaral pa ni Evo sa dalaga.

"Ano?"

Hindi sumagot si Evo bagkus inabot nito ang kamay ni Shery saka hinila.

"Teka saan ba tayo pupunta?"

Hindi muli umimik si Evo bagkus ay hinigpitan ang hawak sa kamay niya.

Napuna iyon ni Shery kung kaya lihim siyang napangiti. Ito ang kilala kong Clothe Man. Ang hambog at wirdong si Clothe Man.

Pagtapat nila sa gamit na sasakyan ni Evo agad niyang nakilala ito. Hindi ba't ito 'yung Ford na katabi ng sasakyan ko noon sa pool party ni Chamber?

"Pasok!"

Sinalubong niya ng tingin si Evo saka sinuri. Hindi kaya nakita niya ang ginawa ko? Agad niyang tinakpan ang bibig sa kahihiyan.

"Bubuhatin nanaman ba kita papasok?" sigaw ni Evo mula sa driver's seat.

Nagising sa reyalidad si Shery saka tumakbo papasok sa tabi ng driver seat. Nang makaupo ng matiwasay agad siyang nanliit sa tabi ni Evo. Nakakahiya!

"Siguro pinagtawanan mo ako noon ano?/ Seatbelt!" sabay nilang wika. Hinawakan kasi ni Evo ang braso niya kung kaya ang dapat na iniisip niya lang ay biglang nasabi.

"Ano?" ang nagtatakang tanong ni Evo samantalang si Shery ay lalong namula sa kahihiyan. Shoot! Kailangan kong magpalusot. Agad niyang sinapo ang noong may sugat at umarteng pagkasakit-sakit nanaman niyon.

Nag-aalalang iniharap siya ni Evo saka tinanong, "Masakit pa rin ba?"

Lalo niyang dinagdagan ang arte kaya inilapit ni Evo ang mukha upang hipan ang sugat niya. Noong una napayuko siya sa lapit ni Evo pero minabuti niyang silipin ang mukha nito at namangha kung paano kumilos ang labi ni Evo upang hipan ang sumasakit niyang sugat.

PASSWORD  (Completed) (Raw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon