Chapter 1

1.3K 20 1
                                    

[Airish]

Second term na ng pangalawang year ko sa high school, masasabi kong marami na ang nag-bago sakin at gusto ko ang pagbabagong 'yon.

Kung dati ay kina-iinisan ako ng mga kaklase kong babae sa middle school at ibang ka-year level ko, ngayon iba na. I made friends and I'm contented and happy —well that's what I'm telling myself to feel.

Kung bakit ako kinaiinisan ng mga kaklase ko dati? Di ko rin maintindihan, wala naman akong ginagawang masama sa kanila.

Di nga ako pala-imik at mahiyain ako, sobrang mahiyain promise! Walang biro!

Pero ewan ko ba kung bakit madalas nasasabihan ako nilang malandi dahil sa mga lalaking lumalapit sakin, di ko naman gustong lapitan nila ako at kausapin. Sa sobrang pagkamahiyain ko nga ay di ko alam kung paano sila kakausapin eh, kaya di ko talaga masasagot kung bakit sila inis na inis sakin.

"Araaaay!" Sigaw ko nang biglang may kung anong matigas na bagay na tumama sa ulo ko.

Ang tahimik ng buhay ko habang nakatingin sa labas ng bintana at nag-mumunimuni eh!

"Sino bang—"Paglingon ko ay mukha ng mga kaklase kong lalaki ang tumambad sakin.

"S-Sorry Airish! Di namin sinasadya." Nangangatal pa ang boses ni Gino habang humihingi ng sorry.

"Sino ba kasi ang nagsabing pwede kayong maglaro ng soccer dito sa classroom ha?" Nilapitan ko siya at kwinelyuhan.

Oo siga ako sa classroom. At dahil doon ay wala nang nagtatangkang lumapit na lalaki sakin para makipag-usap ng mga walang kwentang bagay.

"S-sorry. Sila kasi eh—"

"Kung maglalaro kayo, doon kayo sa field pwede?!"

"O-okay. O-okay"

"Gandang babae sana kaso amazona." Rinig kong sabi ng lalaking dumaan sa hallway. Mga taga ibang section malamang.

Malapit lang kasi kami sa pintuan ng classroom kaya kitang-kita kami ng mga dumadaan.

"Battered boyfriend ka pag nagkataon." sabi pa nung isa at nagtawanan sila.

"Tch." Akala ko mga babae lang ang mga mahilig mag tsismisan?

Di naman ako kalaban ng lahi ni Adan, ang totoo nga niyan ay Daddy's girl ako at spoiled sa kuya kong abnormal na gwapong-gwapo sa sarili.

"A-Airish p-pwede mo na ba bitawan ang k-kwelyo ko?"

Di ko napansin na hawak ko parin pala ang kwelyo ng kumag na 'to. Binitawan ko naman at agad silang nagsitakbuhan palabas ng room.

Tch. Ang bading ng mga kumag 'yon.

"Anong nangyari sa mga 'yon?" Takang tanong ni Krizhia.

"Ano pa nga ba malamang kagagawan nanaman nitong si Airish." Sagot naman ni Jasmine.

"Hay naku girl, kaya naman walang nanliligaw sayo eh. Mas lalaki ka pa kasi kung kumilos kaysa sa mga classmate nating lalaki." Sabi naman ni Zoey.

"Konti na nga lang eh iisipin ko na talagang pusong lalaki yan." Si Jasmine.

Sila ang mga new found friends ko. Well may pagka-maarte sila pero okay lang dahil tinanggap naman nila ko sa grupo nila kahit na ganito ako umasta.

Si Zoey at Jasmine ay schoolmates ko noong Middle School, pero mukhang di naman nila ako kilala noong mga panahong 'yon kaya okay lang na ganito ang asal ko dahil wala naman silang alam sa 'ako' noon.

Si Krizhia naman ay galing sa isang exclusive school for girls pero siya ang pinaka-gusto ko sa kanilang tatlo. Hindi kasi siya maarte at hindi rin ganun ka-daldal, may pagka-boyish din pero ang ganda parin niya. I find her cool actually, may pagka misteryosa nga lang.

My MVP Love : FIRST LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon