[Airish]
Ang sakit parin ng paa ko kahit na dalawang araw na naipahinga ko ito. Three days na simula nang matapilok ako. Ang nakakatuwa lang ay hatid sundo ako ni James, noong biyernes. Nagtaka nga ang mga kaibigan ko kung bakit parang close na close kami ni James, siyempre ayaw ko namang sabihin ang lahat. Sinabi ko sa kanila na siya ang dati kong classmate noong nasa Japan pa ako at recently lang namin nakilala ang isa't-isa, di ko lang sinabi sa kanila na siya rin si J.L.
"Meg, mag-taxi ka na lang papuntang school. Nag-book na ako, malapit na 'yon dito." Dumungaw si kuya sa kwarto ko. Nakasuot na rin siya ng school uniform niya.
Napangiti naman ako. Kahit na di halata, may pagka-sweet naman minsan ang kuya ko.
Kahit na nag-offer si James na susunduin niya ako ay di ko tinanggap. Siyempre, playing hard to get naman ako. De, joke lang. Nakakahiya naman kasi na abalahin siya lagi.
"Sabay na lang ba tayo?" Tanong ko sa kanya.
"Di na. Susunduin ako ng tropa ko, di ka naman pwedeng sumabay saamin. Puro lalaki mga 'yon."
Napasimangot ako. Di ko kasi gusto ang mga kaibigan ni kuya. Wala silang ibang ginawa kung hindi ang pag-tripan ako.
"Ok. Ayaw ko rin naman makita pagmumukha ng mga 'yon."
Ngumisi lang si kuya sa sinabi ko.
"Ano, tapos ka na ba mag-ayos diyan? Alalayan na kita pababa."
Di naman na ako nag-inarte pa sa kuya ko at agad na nagpatulong sa kanya sa pagbaba sa hagdanan. Ang hirap rin maglakad ng may saklay, pero kakayanin. Malapit na rin ang exam namin kaya kailangang wala akong absent.
Infairness mabait at gentleman si manong driver dahil bukod sa ipinasok niya sa loob ng school ang taxi ay inalalayan niya pa akong bumaba sa sasakyan. Sana lahat ng taxi driver ay katulad niya.
Habang naglalakad sa corridor napapatingin sa akin ang mga nakakasalubong ko. Saglit lang naman nila akong tinitingnan at dinideadma rin. Di naman ako naiilang sa mga tingin nila, kaso ang problema ko ay kung paano ako aakyat sa hagdanan.
Perks. Bakit ba di ko naisip na nasa third floor pa ang classroom ko?
Palinga-linga ako kung may makita akong classmate—na ang pangalan ay James Leonard De Leon. (Siyempre, hihiling na lang eh lubusin na.) Ang kaso wala man lang akong makita ni isa sa mga classmates ko.
"Perks naman oh. Paano ba 'to?"
Siguro naman kung dahan-dahan lang paghakbang ko sa hagdan eh makakaabot naman ako sa room nang hindi nali-late, di ba? Bahala na si batman.
"Rish?"
Hahakbang pa lang ako nang mapalingon ako sa nagsalita. Sa lahat ba naman ng taong makakakita sakin na parang timang na naka-tingin sa hagdanan ay si Lance pa.
"Yan ba ang bagong fashion trend?" Yan lang naman ang bungad niya habang pinapasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Oo, gusto mo rin ba gumaya? Willing na willing akong balian ka ng buto." Sarkastiko ngunit nakangiti kong sabi sa kanya.
"No thanks. I don't want to look stupid staring at the stairs."
Napantig ang tenga ko sa sinabi niya. "Sinasabi mo bang para akong tangang nakatunganga dito!?"
Kailan ba evolve ang lalaking 'to sa pagiging antipatiko?
"Di ako ang nagsabi niyan." Painosente niyang sagot, kaya naman lalo akong naasar.
Sa inis ko ay tangka ko siyang pinukpok ng saklay ko.
Ang shunga ko lang at nakalimutan kong pilay nga pala ako. Kaya ayon na- outbalanced ako bago pa man tumama sa kanya ang saklay, buti na lang at nasalo niya ako.
BINABASA MO ANG
My MVP Love : FIRST LOVE
Genç KurguWhat if ma-meet mo uli ang first love mo? Ang first love mo na bigla na lang nawala na wala man lang paalam. Would there still be a chance for you to fall for that person all over again even if everything about him changed? Even his name?