Chapter 20

130 6 0
                                    

[J.L.]

Tinanggal ko ang suot kong coat at necktie na parte ng school uniform namin at itinira na lamang ang puting long-sleved polo, madalas ko ng gawin ito simula nang umuwi si Charlotte. Tinanggal ko na rin ang suot kong salamin ay inayos ang buhok. Baka biglang sumulpot nanaman siya sa bahay, ayaw kong malaman niya kung saang school talaga ako nag-aaral. Mom knows how much I dislike her so she wouldn't tell a thing about it, she knows that I was just trying to get along with her because of Tita Hilda. Well, at first I tried to hide it from her, but she's my mom indeed. She knows me too well.

"Manong George, may sinabi po ba si Mommy kung bakit kailangan kong umuwi agad ngayon?" Tanong ko sa driver namin. Wala kasing sinabi sakin si ang nanay ko kung bakit kailangan kong umuwi agad.

Wala namang okasyon, kaming dalawa lang din naman sa bahay at ang mga katulong. Nakakainis lang kasi di ko man lang naalalayan pumasok sa bahay nila si Ai. I don't know why, but I feel uneasy leaving her like that.

Nandoon naman siguro si Tito at nakauwi na rin si Ryu-nii kaya di ko na kailangan mag-alala pa.

"Wala naman po Sir. Basta pinasundo ka lang niya sakin." Sagot naman ni manong.

Napa-buntong-hininga na lang ako. I just wished that it's not because of Charlotte again.

I tried to calm myself, but still, I felt uneasy thinking about Ai. So without a second thought, I dialed her number to check on her.

Naka-ilang dial na ako pero out of coverage ang phone niya. Lalo tuloy akong kinabahan. I dialed her number again, but to no avail. I decided to call Ryu-nii instead, and with just three rings he answered my call.

"Hello, Ken?"

"Ryu-nii, si Ai? Di ko kasi ma-contact ang phone niya."

"Itatanong ko nga rin sana kung kasama mo siya. Tumawag siya kanina pero biglang naputol tapos ngayon di ko rin siya matawagan. Tumatawag ako kay papa at sa bahay, wala namang sumasagot." Sa tono ng boses niya ay halatang nag-aaala din siya.

What could've happened to her?

"Sige Ryu-nii, susubukan ko parin siyang tawagan. Babalik na rin ako sa bahay niyo to check."

"Salamat Ken. Pauwi na rin ako kaso naipit ako sa traffic."

"Sige, I'll update you."

Sa sobrang pag-aalala ko ay pinakiusapan ko si manong na bumalik sa bahay nila Ai, kahit na isang kanto na lang ay bahay na namin. Mom will understand.

Pagdating ko sa bahay nila ay nakabukas ang pintuan at nakabukas din ang ilaw sa loob.

"Tito Youji? Ai?" Pumasok na ako sa bahay, pero wala man lang sumasagot. I didn't even heard any noise except for a cellphone ringing, lalo tuloy akong kinabahan.

Hinanap ko kung saan nanggagaling ang tunog at nahanap ang cellphone sa ilalim ng upuan. When I checked, I saw Ryu-niisan's name flashing on the screen. Ito yata ang cellphone ni Tito Youji.

"Ryu-nii." Sagot ko sa tawag.

"Sino 'to? Ken?"

"Ako nga Ryu-nii. Wala si Ai at Tito dito sa bahay pero nakabukas ng pintuan at ilaw."

"Ha? Eh wala namang paalam sakin si papa na aalis sila!" He panicked.

"Wala ba sila talagang nabanggit?"

"Wala. At hindi rin nila ugali ang iwanan na nakabukas ang bahay. Favor nga Ken, magtanong-tanong ka sa kapitbahay baka sakaling may nakakaalam kung nasaan sila."

My MVP Love : FIRST LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon