[Airish]
Nakaka-inis wala nanaman akong kasamang maglilinis ng room. 'Yong mga magaling kong ka-grupo sa paglilinis eh tinakasan ako, partida may pinagawa pa sakin sa faculty dahil daily rep ako. Ang ending? 6pm na nasa school pa ako naglilinis ng room.
"Mababatukan ko talaga ang mga babaeng 'yon."
Di naman kasi school ng mayayaman 'tong school namin kaya kailangang kami mismo maglinis ng classroom. May janitor naman ang school pero dalawa nga lang. Sanay narin naman ako kasi ganito rin kami noong grade school at middle school.
"Grabe pre ikaw na!!!!"
Mga pasaway na estudyante, uwian na, nakatambay pa dito sa school. Tsk.
Di ko na lang pinansin ang ingay sa corridor, patuloy lang ako sa pagma-map ng sahig.
"Hala! Ayan natapon tuloy!"
Napaawang ang bibig ko nang makita ko ang umaagos na kulay green na liquid papasok sa pintuan mismo ng room kung saan ako nag-mamap.
"Sorry miss."
Napaangat ako ng ulo. Tatlong lalaki ang nakita kong magkakasama at mga mukhang di gagawa ng matino sa buhay.
"Alam nyo ba kung gaano kahirap maglinis ha?!" Sigaw ko sa kanila.
"Relax miss.. Nag sorry na nga di ba?" sabi ng may dala ng natapon na matcha frappé.
Sosyal ang mga 'to may pa-matcha matcha pang nalalaman.
Sabagay may ibang mga may kaya rin naman ang nag-aaral dito. Mga dropouts nga lang sa mga dati nilang school.
Ewan ko ba sa school na 'to kung bakit tinatanggap ang mga dropouts at kickouts ng ibang school, nagmukha tuloy na tapunan ng mga estudyanteng walang magawang matino sa buhay.
"Malilinis ba ng sorry nyo yan?" Turo ko sa natapon na matcha.
"Woah... Sungit ah." Sabi ng isa na kulay blonde ang buhok at may hikaw sa kaliwang tenga. Paano kaya nakakalusot yan sa mga teachers? Tch.
Nagsalubong ang kilay ko sa narinig ko.
"Sino ba naman ang di magsusungit sa ginawa nyo ha? Ang hirap kayang maglinis!"
"Di naman namin sinsasadya kaya nga humingi kami ng sorry" Sabi uli ng lalaking nakatapon ng matcha frappe.
"Tssss. Palibhasa puro lang kalokohan ang alam 'nyong gawin porket mga anak mayaman!"
Humakbang palapit sakin ang may hawak ng frappékanina. "Teka lang miss ah. Sumusobra ka naman yata."
Bahagya ankong napa-urong sa gulat pero di ako nagpahalata. "At bakit? Totoo naman ah."
"Aba't— Look miss... Nag-sorry na nga ako di ba? Ano bang gusto mo pang mangyari ha?" Tumaas na din ang boses nung lalaki at aaminin ko medyo natakot ako pero di ko parin pinahalata.
Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Maybe she wanna play with us." sabi nung isang kasama niyang lalaki with an impish smile.
"In your dreams!" lakas loob ko paring sigaw sa kanila.
Bigla akong kinabahan, pakiramdam ko may hindi magandang magyayari.
Gulp!
Tingin sa labas.
Walang tao.
Tingin sa tatlo.
Mga tore sila walang sinabi ang height kong pang grade school.
Paano ko makakatakas sa tatlong 'to? Ang tatangkad pa naman nila.
BINABASA MO ANG
My MVP Love : FIRST LOVE
Teen FictionWhat if ma-meet mo uli ang first love mo? Ang first love mo na bigla na lang nawala na wala man lang paalam. Would there still be a chance for you to fall for that person all over again even if everything about him changed? Even his name?