Chapter 19

108 3 0
                                    

[Lance]

I couldn't believe that I was able to ask Airish to be my date, pero mas di ko mapaniwalaan na pumayag siya.Wala kasi ako talagang maisip na ibang yayain and I didn't want to ask random girls to be my date. At least if it's her I'm a bit more comfortable.

She was injured, but according to the school doctor she'll be fine by the end of the week. I was not planning to stay long on that party anyway so she'll be fine.

Dang! Napatigil ako ng paghakbang nang maalala kong di ko nga pala natanong sa kanya ang size ng paa niya.

Siguro naman may stiletto siya? napangiwi ako. I doubt it.

I decided to go back. Kailangan kong makuha ang size ng paa niya para isahan na lang ang pagbili ko ng gamit.

"Tulong!" Few meters from their small gate ay narinig ko ang boses ni Airish, baka natumba siya kaya dali-dali akong humakbang para siguraduhing siya nga 'yon.

Pagpasok ko sa nakabukas na gate nila ay natanaw ko siyang nakaupo sa lupa kasama ang lalaking nakahandusay doon. Agad akong tumakbo para lapitan siya. It was his father.

"Rish?" Agad ko siyang dinaluhan. "Anong nanagyari? Tumawag ka na ba ng ambulansiya?"

Di siya sumasagot. Nang tingnan ko siya ay nakatulala lamang siya sa tatay niya habang ang bilis ng pag-hangos niya, umaagos ang luha at nanginginig.

"This is bad." I think she's having a panic attack.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang si Mang Gary, na sa bahay siya ngayon kaya mas mabilis kung kami nalang magdadala sa tatay niya kaysa maghintay pa ng ambulansiya. Mabilis namang sumagot si Mang Gary at binigyan ko nalang siya ng direksiyon papunta sa bahay nila Rish.

"Rish!" Yugyog ko sa balikat niya. "Rish, can you hear me!?" Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at tila nagulat pa siya pagkakita sa'kin.

"L-Lance.. L-Lance si P-papa..." she was trembling and it was the first time I saw great horror on her face.

"I need you to calm down, Rish. Papunta na dito si Mang Gary, dadalhin natin sa ospital ang papa mo. Okay?" Kausap ko sa kanya at tumango naman siya.

In few seconds ay dumating na si Mang Gary. Pinauna ko na sa loob si Airish para siya ang umalalay sa tatay niya sa likod.

Dinala namin siya sa pinaka-malapit na ospital at buti nalang talaga ay nadala agad namin siya doon. He has a hypertensive heart disease and the doctor said that any minute of delay could cause him death. I talked to the doctor since Rish was still too shocked.

Her father was then transferred from the emergency room to the ICU. Di parin kasi siya conscious at kailangan pang obserbahan.

Pinuntahan ko naman si Airish sa labas ng emergency room na nakaupo at tulala parin.

"Rish,"

Gulat pa siyang napa-tingala sakin. "Si Papa?"

Tumabi naman ako sa kanya. "Stable na ang kalagayan niya. He was transferred to the ICU." paliwanag ko pero di ko na dinitalye pa ang sinabi ng doktor thinking that she might have a nervous breakdown if I did.

Medyo umayos naman ang ekspresiyon ng mukha niya nang sabihin ko 'yon, pero halata pa rin ang sobrang pag-aalala doon. "S-salamat."

"Natawagan mo na ba ang kuya mo?"

She nodded. "Papunta na siya dito."

"I see, then I'll just get us something to eat. Are you okay here by yourself?"

My MVP Love : FIRST LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon