Chapter 8

312 7 9
                                    

[Airish]

Ang aga-aga rinig ko kaagad ang ingay ng section namin mula ground floor. Nasanay nalang ako sa ganyang ingay nila pati ang mga teachers sanay na rin. Kung dati ay madalas nilang sawayin ang section namin, ngayon ay hinahayaan nalang nila hanggang sa magsimula ang klase.

Papasok na ko sa room nang makasalubong ko naman si James sa pintuan. Mukhang maagang pupunta sa faculty room dahil sa dala niyang mga papers.

"Yo James!" Bati ko sa kanya.

"Airish, goodmorning." Nakangiti naman niyang sagot.

"Naks! Ganda ng ngiti. Dapat ganyan lagi." Biro ko.

"Tsss. Wag ganun nagba-blush ko." Pabirong sagot niya rin.

Oh di ba close na close kami? Magkatabi kasi kami ng upuan pag-uwi galing sa camp na ipinagpasalamat ko kasi bukod sa di na ako sa likod ay di ko pa katabi ang mayabang na impaktong si Lance. Nagkakwentuhan kami at may sense of humor din naman pala siya di lang halata.

"Haha. Lagi ka naman namumula eh parang kamatis."

"Grabe siya oh." Sabi niya at natawa kami pareho.

Natigil naman kami sa pagtawa ni James nang mapansin naming tumahimik bigla ang paligid namin.

Pagtingin ko sa mga kaklase namin sa loob ay tila tinalo pa nila ang nag manequin challenge. Lahat sila natigil sa mga monkey business nila at nakatingin samin.

"Oh anyare sainyo?" Tanong ko.

Lumapit naman si Jasmine samin na akala mo eh nakakita ng alien.

"Totoo ba 'tong nakikita ko?"

Nagkatinginan naman kami ni James. Napangiti si James at napailing nalang ako.

Psh. Ang OA talaga nila kahit kailan.

"Kailan pa kayo naging mag-bff ni James?" Dagdag pa niya.

Napabuntong hininga na lang ako "Bakit di ba pwede yun?"

"Hindi naman. Ang weird lang."

"Psh. Tara na nga at wala pa akong assignment." Tinulak ko si Jasmine papasok sa room mukha kasing na-aawkwardan na si James eh.

"Sige punta muna ako sa faculty room." Rinig kong sabi ni James habang tinutulak ko papunta sa assigned seat niya si Jasmine.

"Geh." Walang lingon-likod ko namang sagot na lang.

Mga taong 'to talaga, kung kailan nagiging normal na tao na si James eh pupunahin naman nila agad.

Di naman sa abnormal si James, di 'yon ang ibig kong sabihin. Eh ewan ko ba kung bakit ayaw kong nakakakita ng mga nabubully, ever since gradeschool ako kahit na di ko pa nararanasan kung paano i-bully eh ganun na ako. Parang biglang gusto kong maging super hero at iligtas sila. Ngayon na naranasan ko na kung paano ang ma-bully lalo akong nskaramdam ng urge para tulungan sila.

"Kailan pa natuwid dila nun?" Gulat paring sabi ni Jasmine.

"Kahapon. Plinantsa ko." Sagot ko naman sabay lapag sa libro ng calculus sa desk ko. "Tara na assignment na tayo."

"Ikaw ha don't tell me mga katulad ni James ang type mo?" Di parin siya nag-paawat.

Gusto ko ng mag-facepalm sa harap niya. Ang big deal talaga sa kanila kapag may lalaking involve sakin, pati si James dinamay pa nila.

"Wow ha naging close lang type na agad?"

"Ang friendly mo po kasi sa mga boys 'noh at outgoing naman si James kaya di talaga kami ma-sa-schock sa nangyari." Sabi naman ni Zoey na abalang sinasagutan ang assignment.

My MVP Love : FIRST LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon