[Airish]
Leche talagang Lance na yun! Ako ba naman ang pinagprito ng ulam naming isda? Para tuloy akong gladiator na nakikipagdigma, habang hawak ko sa kanang kamay ko ang tong hawak ko naman sa kaliwang kamay ko ang takip ng kaserola.
Bakit ba kasi tumatalsik ang mantika kapag nagpiprito? Kainis!
"Hoy negro na yang isda!"
"Perks!" Buset na lalaking 'to talaga bigla-bigla na lang sumusulpot.
"Akin na nga yan! Gugutumin mo ang team natin sa ginagawa mo eh." Inagaw niya sakin ang tong at siya ng nagpatuloy ng ginagawa ko.
"Eh sino ba naman kasi ang may pakana na ako ang i-assign sa pagluluto niyan ha?!"
"Tsss. Okay ka lang ba?"
Natigilan naman ako saglit, bakit bigla yatang nag-iba ang ihip ng hangin at naging concern siya?
"A-ako ba tinatanong mo?"
"Hindi, yung isda. Kawawa naman tinutong mo."
Eh kung prituhin ko kaya siya ng umitim ang maputi niyang balat! Bwiset!
"Diyan ka na nga! Magsama kayo ng isdang yan!"
Ang abnormal niya talaga nakakainis!
Narinig ko pa ang tawa niya habang papalayo ako. Di naman halatang nag-eenjoy siyang pag-tripan ako. Grrrr!
"Sayang ang pagiging-cute mo kung nakabusangot ka ng ganyan." Napalingon ako sa nagsalita.
Papalapit lang naman sakin ang playboy na boyfriend ni Jasmine. Sinira na nga ng kumag na Lance na 'yon ang araw ko eh lalo pa yatang sisirain ng isang 'to.
Inirapan ko siya pero tumawa lang siya at walang pasabing tumabi ng upo sakin sa damuhan.
"Anong kailangan mo?"
Dahil kasi sa sobrang inis ko sa Lance na 'yon ay napalayo ako sa base ng team namin at heto ako sa gitna ng kagubatan kasama ang unggoy na 'to na di ko alam kung bakit nandito.
"Malayo ito sa base ng team niyo ah." sabi niya sakin imbes ng sagutin ang tanong ko.
"Paki-alam mo ba. At bakit ka ba nandito?"
Tumawa ulit siya.
Abnormal ata ang isang 'to. Eh wala namang nakakatawa sa sinabi ko di ba?
"Eh malapit lang dito ang tent namin oh." sabi niya sabay turo sa base nila na di kalayuan sa kinauupuan namin.
Perks! Oo nga.
"E-eh ano naman. Eh sa gusto ko tumambay dito eh."
Kainis! Bakit pa kasi lumapit ang isang 'to sakin. FC masiyado. Kung may makakita samin dito baka isipin na nakikipaglandian ako sa lalaking 'to.
"You really dislike me, don't you?"
Aba pati ba naman siya eh nag-eenglish?
"Ay halata ba?" sarkastiko kong sabi.
"Not really. Just a little."
"Pwede ba wag mo kong ini-english english diyan. Nahawaan ka na rin ba ng virus ni Lance na panay english?"
"Mukhang close na close kayo si Lance ah."
"H-huh?! H-Hindi no'!!!" Hindi naman ako nag sisinungaling. Hindi naman talaga kami close. Well, noon siguro oo pero ngayon hindi na no'!
"Ganun ba? Akala ko pa naman close kayong dalawa.. Sayang." At may pailing-iling pa siya ng ulo na nalalaman ah.
"S-Sayang?"

BINABASA MO ANG
My MVP Love : FIRST LOVE
Teen FictionWhat if ma-meet mo uli ang first love mo? Ang first love mo na bigla na lang nawala na wala man lang paalam. Would there still be a chance for you to fall for that person all over again even if everything about him changed? Even his name?