[Airish]
"Quite!" Sigaw ng Adviser namin.
Ang ingay kasi ng klase, uwian narin naman nagkataon lang na may announcement daw. Wala rin namang bago doon, sadyang magugulo lang talaga ang mga classmates ko.
Sa class - C ako, bale 3rd section pero talo pa ang last section sa sobrang gulo.
"Listen class representatives. Magkakaroon ng leadership camp lahat ng class representatives ng highschool next week so be sure to inform your parents and let them sign in this letter of consent." Yun lang sinabi niya at umalis rin agad.
Ito na nga ba ang ayaw ko kapag class representative eh. Ako kasi ang ginawa nilang class rep dahil daw takot sakin ang mga classmates kong lalaki. Psh.
Dalawa naman kaming class rep, isang babae at isang lalaki kasi ang kailangan at ang maswerteng ka-partner ko ay si James de Leon. Ang nerd looking na sobrang hinhin, kaya laging nabubully ng mga classmates kong lalaki, parang nagkapalit nga daw kami ng katauhan eh. Pero sa build ng katawan niya at tangkad niya pwede nga siyang pumasa sa basketball team pero di naman kasing tangkad ng posteng lalaking yun. Ewan ko ba sa sobrang mahiyain niya ata kaya halos takpan na ng bangs niya ang buong mata niya. Sigh.
"A-ah A-Airish...."
Di ko alam kung ilang segundo ang nakalipas bago na-pronounce ni James ang pangalan ko. Napapa-buntong hininga na lang ako, di ko rin magawang mainis sa kanya kasi alam ko ang pakiramdam na ma-isolate at maging introvert. Mahirap talaga ang lumapit at makipag-usap sa tao, idagdag mo na rin ang pagkakakilala nila sa ugali ko kaya malamang sa malamang mas doble ang takot niya sakin.
Sigh.
"Yo James, ano merun?" Tanong ko sa kanya. Trying my best too sound friendly enough.
May dala siyang mga papel, siguro yun ang mga papers na kailangan para sa leadership camp.
"Rish! Una na kami sumunod ka na lang sa café." Sigaw ni Krizhia, papalabas na sila ng room.
Uwian na kasi at mukhang ako nanaman ang maiiwan dito.
"Geh! Susunod ako!" Kaway ko sa kanila.
"U-uhm.. A-ano.. M-may meeting tayo sa c-class A f-for leadership c-camp." Sabi ni James.
"Ah ganun ba? Sige tara na."
Kahit papano gusto kong din mabawasan ang takot niya sakin kaya di ako nag-susungit at nagtataas ng boses kapag siya ang kausap ko, 'yon nga lang parang walang epekto. Takot parin siya.
Marami na rin ang tao sa loob ng room ng Class-A. Lahat ng Class representative ng bawat section ng 2nd year ay nandoon na. Ewan ko ba kasi kung bakit kailangan pa ng meeting eh ang ending rin lang naman lagi ay nasusunod ang plano ng class rep ng first section, hassle lang.
Halos di ako nakikinig sa discussion, okay lang naman kasi nag-ttake down notes naman si James. Diyan ko siya maasahan, halos siya nga lang ang gumagawa ng responsibilidad sa room bilang class rep at ang trabaho ko lang ay sawayin ang mga kaklase kong lalaki na walang ka-effort effort kong nagagawa.
Nakakaantok. Gusto ko ng lumabas sa room kaso baka malagot ako sa adviser namin. Siguradong nag-eenjoy na sa pagkain ng donut sila Zoey. Lalo ko tuloy naramdaman ang gutom ko.
Nagtaka naman ako nang biglang humagikhik ang babae na katabi ko.
Kinikilig?
"Sorry I'm late." Rinig kong sabi ng isang lalaki sa likod. Lahat ng mga babae ay napalingon, pero ako deadma lang.
Ang nasa utak ko lang ngayon ay pagkain.
"Di ba siya si Lance, yung varsity player." Sabi pa nung isang babae.
BINABASA MO ANG
My MVP Love : FIRST LOVE
Novela JuvenilWhat if ma-meet mo uli ang first love mo? Ang first love mo na bigla na lang nawala na wala man lang paalam. Would there still be a chance for you to fall for that person all over again even if everything about him changed? Even his name?