[Lance]
Friday, 5:30AM—a not so ordinary day for me. Pikit pa ang mga matang inabot ko ang alarm clock sa bedside table ko saka ito pinatay. Ayaw ko pang bumangon pero wala naman akong magagawa, I need to get up to be early on my appointment. That's right, not because of school but because of an appointment with that old man. Di ko alam kung hanggang saan ang aabot ang koneksiyon ng matandang 'yon, dahil maging sa school ay nagagawa niya akong i-excuse sa kahit na anong oras na gustuhin niya.
♫♪you're in danger...you're in danger.♫♪
I reached for my phone just beside my alarm clock.
"Wake up sleepyhead." Kahit di ko tingnan ang screen ng phone ko ay alam kong ang panganay kong kapatid ang nasa linya.
"I'm already awake Kuya." I lazily answered.
"Then I'll send our driver there, now get up and take a shower. You'll be having your breakfast with your handsome Kuyas."
I smiled at what he said. He's the most narcissistic person that I've ever met. Well, he has every reason to be one, saaming tatlong magkakapatid siya ang pinaka-nakakalamang sa itsura. Minsan tuloy nahahawa na ako sa ugali niya.
I must remind myself not to hang around with him too much.
"Will the dragon be joining us for breakfast?" tanong ko na lang para maiba ang usapan.
"We don't have a choice, do we?" sagot naman niya.
I grunted and ended the call. I hate meals with that old man, pero gaya nga ng sabi ni Kuya, we don't have an effin' choice. I'm just glad that old man allowed me to stay at my old house. I know that my brothers had taken my side that's why he consented, but in return, kailangan kong pumunta kapag pinapatawag niya ako, anytime.
My mother—foster mom—and I used to live here when she was still alive. This was the only home that I had good memories so I choose to live here than living at the mansion.
Hinubad ko ang boxer ko at itinapon sa lagayan ko ng labahan na nasa gilid ng kwarto.
Three points.
I entered the bathroom and turned on the shower. Hinayaan ko lang ang malamig na tubig na mabasa ang katawan ko.
I'm all alone at this house, no maids and butlers to take care of everything that I need, but I choose to live this way. Besides, sanay ako sa hirap. Di ako lumaking mayaman katulad ng dalawa kong kapatid.
Paglabas ko sa gate ng bahay ay naroon na ang kotse at driver na naghihintay sakin.
"Good morning, hijo." Bati sakin ni Mang Gary, isa siya sa mga matatagal ng driver ng pamilya.
"Good morning po."
Umupo ako sa passenger seat like what I usually do. Ayaw ko naman kasing maupo sa likod, pakiramdam ko kasi pinapamukha ko lalo sa kanila na driver lang sila. Alam ko rin kasi ang pakiramdam ng minamaliit, kaya kahit ganito na ang buhay ko I always want to show respect to them.
"Kararating lang ni Sir Seddrick kasama ang mga young masters at asawa niya." Balita sakin ni Mang Gary.
Tumango naman ako at napangiti. Kung may dahilan man para ma-excite ako sa pagpunta sa mansion ay 'yon ang mga kapatid at pamangkin ko. Haven't seen them for a while, hindi rin kasi sila sa mansiyon nakatira. Ako lang naman ata ang nag-tiis ng ilang taon na manirahan doon.
Papasok pa lang sa gate ay tanaw ko na dalawang batang naghahabulan sa garden. I can't help but smile; they are two of my few favorite persons. Tanaw ko rin ang mesa na nasa lawn a naroroon na ang mga kapatid ko.
BINABASA MO ANG
My MVP Love : FIRST LOVE
Fiksi RemajaWhat if ma-meet mo uli ang first love mo? Ang first love mo na bigla na lang nawala na wala man lang paalam. Would there still be a chance for you to fall for that person all over again even if everything about him changed? Even his name?