Chapter 21

225 7 1
                                    

[Airish]

Pagmulat ng mata ko mula sa pagtulog ay na sa isa sa pinaka-awkward na sitwasyon na pala ako ng buhay ko.

Isang pares ng magandang mata ang gulat na nakatitig sakin.

"Y-you're awake." Namumula ang mukha na iniiwas ni James ang tingin niya sakin.

Saka lang nag-sink-in sakin ang awkwardness ng posisyon namin. Nakahilig ako sa balikat niya habang ang kamay naman niya ay nakaakbay sakin. Ang mga mukha namin ay sobrang lapit, naamoy ko pa nga ang hininga niya. Infairness, ang bango, amoy mint.

Perks!

Agad akong umayos nang pagkakaupo. "N-Nakatulog pala ako. "

"O-Oo. Di na kita ginising, m-mahimbing kasi tulog mo."

Mag kakalahating minuto siguro na wala saaming dalawa ang nagsalita. Ang bilis parin ng tibok ng puso ko, sobrang nakakahiya, di ko namalayan na nakatulog pala ako. Paano na lang kung naka-nganga pala ako habang natutulog di ba?

"U-umuwi muna pala si Ryu-niisan, tulog na tulog ka kanina kaya di na siya nagpaalam. He'll be back, kukuha lang ng mga gamit."

Oo nga pala, nasa ospital kami at wala ako sa tamang sitwasyon para alalahanin pa kung nakanganga akong nakatulog.

Sira ka talaga Airish! Pagalit ko sa sarili ko.

"A-ah ganun ba? Pasensiya na di ko namalayan na nakatulog na pala ako."sabi ko.

"It's okay, you need it. I know you're tired, dito lang din naman ako sasamahan kita." Minsan di ko malaman kung anong mayroon ang lalaking 'to at napapagaan niya lagi ang pakiramdam ko. Isang simpleng ngiti at salita lang 'yon pero effective.

Hindi ko parin malimutan ang eksenang natumba sa harapan ko si papa. Sobrang takot na takot ako sa pwedeng mangyari sa kanya, at dahil sa takot na 'yon ay muntikan pa na lalong malagay sa alanganin ang buhay niya. Gusto kong sabunutan ang sarili ko. Kung hindi dahil kay Lance ay maaring wala ngayon ang tatay ko, at di ko alam kung mapapatawad ko ang sarili ko kapag nagkataon.

Bakit ba kasi sa oras na makaramdam ako ng matinding takot ay bigla na lang nabablangko ang utak ko at para akong napaparalisa?

"Ihahatid kita mamaya sa bahay nyo para makatulog ka ng maayos. Kumusta na nga pala ang paa mo?" Basag uli ni James sa katahimikan.

Malayo nanaman pala kasi ang nilipad ng utak ko.

"I'll ask one of our helpers para samahan ka sainyo. Kuya Ryu said that he will stay here para magbantay kay Tito, and you need rest di pa magaling ang paa mo."
"

Kahit gusto ko sanang sabihin na magpapaiwan ako sa ospital ay alam kong magiging dagdag lang ako sa alalahanin ni kuya since di pa masiyadong magaling ang paa ko, kaya tumango na lang ako.

Pasalamat nga ako kay James dahil kahit na di naman siya kapamilya namin ay nandiyan lagi nakaalalay.

"Salamat Kenken ha." I smiled at him.

"Anything for you... a-and your family." Bakit kaya namumula ang tenga niya?

Mayamaya pa ay dumating na di Kuya bitbit ang isang gym bag. "Meg, pahatid ka muna kay Ken sa bahay. Kailangan mo rin magpahinga."

Tumango na lang ako.

"Ken, pasensiya na pero hihingi ako uli ng pabor. Pakisamahan mo muna si Meg sa bahay." Baling naman niya kay James.

My MVP Love : FIRST LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon