[Airish]
Pinagpapawisan na ako ng malamig dahil sa pagtitig nila kay James. Di pwedeng malaman nila na siya si J.L. mabubuking ako, ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa kanya? Baka isipin pa niya nag-tetake advantage ako sa friendship namin.
"Parang kamukha mo si J.L. yung—"
"Model! M-medyo kamukha niya yung model! Hehe." Putol ko agad sa posibleng idudugtong pa ni Zoey sa sinasabi.
"S-Salamat, pero di naman ako kasing gwapo nun." Sabi naman ni James.
Medyo gusto kong tumawa sa sinabi niya. Ang weird na marinig mula sa kanya na sabihang gwapo ang sarili niya. Dati kasi madalas niya i-down ang sarili niya.
"Pero kung mag-aayos ka, gwapo ka." Dagdag pa ni Zoey at pansin ko naman ang pamumula ng tainga ni James.
Model na siya pero halatang di parin siya sanay na pinupuri. Hindi naman sa nagrereklamo ako na di pa siya nasanay kasi mas gusto ko ngang di lumalaki ang ulo niya. I want him to stay humble. Naks, English.
"May balita ka na ba kay Jaz?" tanong ko para maiba ang topic.
Napabuntong hininga naman si Zoey. "Wala pa nga eh. Ano kayang problema ng babaeng 'yon? Pati sakin hindi nagsasabi, ano pang silbi kong best friend niya di ba?"
Nakahinga ako ng maluwag. Successful ang pagpapalit ng topic. Pero nag-aalala rin talaga ako kay Jasmine, madaldal at may pagka-maarte 'yon pero di mahilig mag-share ng problema. Well ako rin naman di mahilig magsabi ng mga problema pero at least di naman ganun kalala ang mga nagiging problema ko recently.
"Puntahan na lang kaya natin sa bahay nila?" suhestiyon naman ni Kriz.
"Baka gusto lang talaga mapag-isa ni Jaz. Hayaan na muna natin, at kung bukas wala parin na balita. Puntahan na natin." Sabi ko naman. Minsan kasi kapag gusto kong mag-isip at mapag-isa ay di ko talaga pinapansin ang sino mang tumatawag o nagtetext sakin, yung tipong ayaw kong kumausap ng kahit na sino—well, manliban sa Papa at kuya ko na napipilitan na lang akong kausapin dahil sa kakulitan nila. Baka ganoon din ang mood ngayon ni Jasmine.
Natapos din ang lunch break nang hindi na uli na-o-open ang topic na kamukha ni James si J.L.—na siya rin lang naman din. Natuwa pa ako dahil si James ang nakaalalay na sakin habang naglalakad pabalik sa room.
Nang aakyat na kami sa hagdan ay nagulat ako nang kunin ni James ang saklay ko at bigla akong buhatin kaya napayakap naman ako sa leeg niya. Buti na lang ay nauna na sila Zoey sa pag-akyat. Alam kong namumula ang pisngi ko sa ginawa niya dahil ang init ng pakiramdam ko dito at sobrang lakas din ng tibok ng puso ko.
"K-Kenken di mo naman kailangang gawin 'to." Pero siyempre deep inside gustong-gusto ko naman ang ginawa niya.
"It's okay. Nainggit lang ako kanina kay Lance na binuhat ka." Nakangiting sabi niya na nakapagpa-hinto ng mundo ko.
PERKS!!!!!
Di ko na nagawang makapagsalita pa dahil sa sinabi niya. Alam kong sobrang pula na ng mukha ko pero dahil sa sobrang pagkabigla at kilig at the same time ay nganga na lang ang lola niyo. Gusto kong magsisigaw dahil sa sobrang kilig na nararamdaman ko, kaya lang di naman pwede dahil buhat niya nga ako.
Tahimik lang kami habang umaakyat sa hagdanan. Alam kong may napapatingin saamin pero di katulad kanina noong si Lance ang may karga sa'kin. Napapatingin lang sila tapos deadma na, pero mas masaya ako ngayon kaysa kanina kaya wala akong pakialam sa reaksiyon nila.
Nang papasok na kami sa classroom ay nahagip naman ng mata ko si Lance na nakatayo sa harap ng classroom nila, nakatingin siya saamin at nakakunot ang noo. Anong problema nun? Di ko na lang pinansin dahil abala pa ako sa pagpapakalma ng sarili ko.

BINABASA MO ANG
My MVP Love : FIRST LOVE
Teen FictionWhat if ma-meet mo uli ang first love mo? Ang first love mo na bigla na lang nawala na wala man lang paalam. Would there still be a chance for you to fall for that person all over again even if everything about him changed? Even his name?