[Airish]
Sa totoo lang ay di pa totally nagsi-sink in sakin na si James na classmate ko ngayon ay si Kenken na kaibigan ko way back in gradeshool pa sa Japan at malala pa niyan ay siya rin lang naman ang crush kong model na si J.L. oh di ba? Sino ba naman ang hindi mababaliktad ang utak sa mga ganyang information?
Anyway, saka ko na yan poproblemahin. Ang problema ko ngayon ay itong mga lalaking nakatitig sakin.
Perks!
Gusto ko ng maglaho na parang bula sa kinauupuan ko. Kasi ba naman, tatlo sa kanila ay nakaupo at indian sit pa talaga sa harap ko habang nakatitig sakin.
"Cute nga siya."
"Oo nga."
"Ngayon naiintindihan ko na."
"May boyfriend ka na?"
"Anong type mo sa lalaki?"
Yan lang naman ang mga nakakalokang tanong nila sakin.
"A-ah..eh..." talagang di ako kumportable sa ganito. Kung di lang siguro sila kaibigan ni J.L. sinipa ko na ang mga 'to.
"Pwede ba tigilan nyo na yan?! You're making her feel uncomfortable!" Saway ni J.L. pero wala siyang magawa kasi hinahawakan siya sa magkabilang braso ng dalawa niyang kaibigan. Kung di ako nagkakamali, sila yung mga taga Harrison na nakita ko sa camp.
"Guys! Hayaan nyo muna kayang ipakilala siya ng maayos satin ni J.L.?" Sabi naman nung nag-iisang matino sa kanila na naka-upo lang sa couch at ini-enjoy ang kape niya. Sa dating niya, siya yung typical rich guy na bata pa lang ay trained na para mag-manage ng business, yung boss type ba.
Lahat naman sila ay napalingon kay J.L. pero di parin ito pinapakawalan ng dalawa.
"Can you guys let me go first?" Sabi naman ni J.L. at pinakawalan naman siya ng mga ito.
"Mga sira ulo!"dagdag pa niya nang bitawan siya.
"Grabe ka naman J.L. sa kagwapuhan naming 'to mukha kaming sira ulo?" Reklamo ng isa sa mga naka-upo sa harap ko. Gwapo nga siya gaya ng sabi niya pero di ganun ka-lakas ng dating kumpara kay J.L. at dun sa lalaking nakaupo sa couch.
"Walang konek ang looks sa utak men." Binatukan naman ito ng katabi niyang nakaupo ring lalaki. Di siya ganun ka-gwapo pero malakas din ang appeal. May earpierce siya sa kanang tenga pero malinis paring tingnan di katulad nung mga lalaki sa school namin.
"Pasensiya ka na sa mga 'to Ai, mukha lang silang mga abnormal pero harmless naman." Sabi ni J.L.
"Kita mo 'to!" babatukan sana siya ng katabi nyang lalaki yung isa sa mga nakahawak sa kanya pero napigilan niya ang kamay nito.
"Airish, ito nga pala si, Calix.." Pakilala niya dito sabay pasimbleng siko sa tagiliran.
"Zup!" Bati naman nito sakin kahit na nakangiwi dahil sa sakit. Matangkad ito, mas matangkad ng kaunti kay J.L., may nunal sa baba ng kanang mata at blonde ang buhok. Aura palang niya nararamdaman ko ng babaero ito.
"Si Xavier.." Pakilala niya naman sa isa pang lalaking katabi niya.
"Hello." Nakangiting bati nito sakin. May dalawa siyang malalim na dimples na dumagdag sa appeal niya. Alam 'yo yung boy nextdoor type? Ganun siya.
"Si Tremor.." Turo ni J.L sa lalaking nakaupo sa couch.
"Hi." isang casual na ngiti ang binigay nito sakin sabay higop sa kape. Gaya ng sabi ko kanina may aura siya ng pagiging boss. Halatang-halata na galing siya sa isang mayamang pamilya.
BINABASA MO ANG
My MVP Love : FIRST LOVE
Ficção AdolescenteWhat if ma-meet mo uli ang first love mo? Ang first love mo na bigla na lang nawala na wala man lang paalam. Would there still be a chance for you to fall for that person all over again even if everything about him changed? Even his name?