Chapter 11

242 8 0
                                    

[Airish]

"PAPA!" Oo pasigaw talaga ang pagkasabi ko sabay takbo at yakap sa kanya.

OA na kung OA pero ganun talaga ako sa harap ni kuya at papa. Kung gaano ako katigasin sa harap ng mga tao sa school ay ganun naman ako kalambing sa bahay.

"Itai.."
[Aray..]

Kumawala ako sa pagkakayakap ko at tumingin sa kanya.

"Ano ba kasi pinag-gagagawa mo nanaman papa at inatake ka ng highblood?" Pagalit ko sa kanya.

Napakamot naman sa ulo si papa. Malamang nag-iisip ng palusot niya. Haaaay..

"eto....ー"
[Uhm...]

"Wag kang magpapalusot!" Putol ko sa sasabihin pa niya.

Malamang magdadahilan nanaman kasi siya. Hindi naman sa nagpapakawalang modo ako, ganito lang talaga kami ni Papa pinapagalitan ko siya kapag di niya inaalagaan ang sarili niya.

"Hai, hai... Shinpai shinai de. Heiki da kara." Nakatawang sabi ni papa.
[Oo na, Oo na.. Don't worry. I'm okay.]

Mukhang okay na nga talaga siya. Haay.. Ang hirap magpalaki ng magulang.

"Ang OA mo talaga kahit kelan." Sabi naman ni kuya na nakaupo sa gilid ng kama.

"TSE!" Inismiran ko naman siya.

"Bago ka diyan magdrama papasukin mo muna kaya ang kasama mo 'no."

Natigilan ako saglit.

Aa! Wasureta!
[Aa! Nakalimutan ko!]

Perks! Oo nga pala may kasama ako.

"Haaaay.. pumasok ka na nga lang Ken.. pasensiyahan mo na 'tong pangit kong kapatid."

"Wow kasi ang gwapo mo 'no?"

"Thank you."

Kahit kailan talaga! Parang version 2 niya si Lance sa pambibiwisit sakin eh!

Teka bakit ko naisip ang lalaking yun? Ugh! Kailangan ko siguro magpagpag mamaya.. kanina lang kasi parang nakita ko siya tapos ngayon bigla ko namang naisip.

"Gomen ne...hehe." sabi ko nalang sa kanya.

Tumawa naman si J.L. saka pumasok sa kwarto. "Okay lang."

Nakakahiya nakalimutan ko siya bigla. Buti na lang mabait parin siya gaya ng dati.

"Ken?" Napalingon kami kay Papa na halatang nagtataka kung sino ang lalaking pumasok.

Mukhang nakalimutan na niya si Kenken/J.L. Tsaka siguradong di naman talaga niya makikilala 'to kasi nagbago na itsura.

"Kenken desu yo Papa." Sabi ko.
[Si Kenken Papa.]

"Sou ka? Hanazawa Kento-kun ka?"
[Ah si Hanazawa Kento?]

"Hai.. ohisashiburi desu."
[Opo, long time no see.]

"Rippa ni sodatta na.."
[You've grown up quite well (or you've grown quite handsome.)]

Napangiti naman si J.L. at napahawak sa batok. Malamang nahihiya sa compliment ni papa.

Ang cute niya talaga kahit na suot nanaman niya ang nerdy getup niya. Akala ko nga eh di na siya magsusuot ng salamin kasi may crack ang lense ng salamin niya di ko expected na may extra siya sa coffee shop.

"Mas gwapo parin naman ako papa sa kanya." Sabat naman ni Kuya. Ayaw magpatalo ng abnormal.

"Huh? Saang part? Paki-explain." Kontra ko naman.

My MVP Love : FIRST LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon