[Airish]
First time kong mapanood maglaro ang varsity ng basketball namin dahil pinilit ako ng mga kaibigan ko at di ako makapaniwalang ma-eenjoy ko ang panonood.
Hindi naman kasi ako mahilig manood ng sports kaya di ko alam na nakakaenjoy pala, nagulat pa nga ang mga kasama ko nang bigla akong sumigaw ng makapuntos ang team namin. Paano ba naman kasi nakakainis umasta ang mga kalaban nila, ang yayabang. Kaya naman nung manalo sila ay tuwang-tuwa ako. Weird nga eh, dati ayaw ko sa kanila pero todo naman ang suporta ko sa laro nung naglalaro sila.
"So, wala ka palang pakialam sa game sa lagay na 'yon?" Biro pa sakin ni Jasmine habang naglalakad kami palabas sa school.
Pauwi na kaming apat since si Jasmine ay pinagtabuyan ng walang hiyang boyfriend niya. Ewan ko rin ba kung bakit okay lang sa kanya na ganun ang gawin sa kanya ng jowa niya.
"Nadala lang ako, nakakainis kasi 'yong kalaban nila. Siyempre ayoko rin minamaliit ng ganun ang school natin 'noh." Palusot ko.
"Sus eh parang cheer leader ka nga nila kanina eh." Kontra naman ni Zoey.
"Tigilan 'nyo na panunukso diyan kay Rish. Mamaya niyan di na ninyo maayang manood." Saway ni Kriz na ikinatuwa ko. Saviour ko talaga siya.
"Ang isipin 'nyo eh kung paano natin matatapos mga homework natin. Late na oh." Dagdag pa niya.
Sabay-sabay naman kaming napangiwi. Ewan ko ba kasi kung bakit halos lahat ng subjects namin ay may homework. Past seven na natapos ang practice game nila tapos magsisiuwian pa kami, goodluck na lang kung anong oras kami matutulog.
Bigla ko namang naalala na naiwan ko sa room ang books ko dahil sa sapilitang paghatak sakin ng mga sweet kong kaibigan para manood ng basketball.
"Teka, babalik ako sa classroom. Naiwan ko mga books ko."
"Samahan ka na namin." bolontaryo ni Kriz.
"Wag na. Naghihintay na mga sundo ninyo, mauna na kayo. Kaya ko na 'to." Sabi ko naman.
Sanay naman na kasi akong mag-isa umuwi. Bukod kasi sa di naman parehas ang daan at sakayan namin pauwi ay may sumusundo sa kanila. Si Jasmine madalas sunduin ng magarang sasakyan kapag di niya kasabay umuwi si Josh, si Zoey naman ay katulad ni Kriz na sinusundo ng kuya.
Naisip ko tuloy ang kuya ko. Wala man lang sweet bones ang kumag, ang alam lang eh kung paano ako asarin.
"Sigurado ka?" Tanong naman ni Zoey.
"Sus. Ako pa ba? Iniiwan 'nyo nga ako lagi na mag-isang maglinis ng classroom eh."
Bigla silang napaiwas ng tingin sa sinabi ko. Sapul ang mga lola niyo.
"Hehe. Sige una na kami." Si Jasmine.
Kita niyo, umiwas bigla sa usapan. Sanay na rin naman ako, ganyan sila kabait sakin eh, sarap batukan.
"Tch. Sige na layas na. Ingat kayo." Kumaway ako at tumakbo pabalik sa highschool building.
Huli na ang lahat nang ma-realize ko na gabi na nga pala at nakapatay ang mga ilaw sa classroom. Ang tanging may ilaw lang ay ang corridor, bigla ko tuloy naalala ang horror movie na pinanood ko.
Nasa second floor palang ako at ang swerte ko talaga dahil wala man lang talagang classroom na may tao. Dali-dali akong naglakad at iniiwasang mapatingin sa mga walang taong classroom. Ang nakakainis pa ay rinig na rinig ko ang yabag ko sa sobrang tahimik na corridor dagdagan mo pa ng patay-sinding ilaw sa dulo ng corridor. Kung naririnig nga lang ang tibok ng puso ko ay malamang nag-e-echo din 'to sa buong building.

BINABASA MO ANG
My MVP Love : FIRST LOVE
Teen FictionWhat if ma-meet mo uli ang first love mo? Ang first love mo na bigla na lang nawala na wala man lang paalam. Would there still be a chance for you to fall for that person all over again even if everything about him changed? Even his name?