Chapter 15

194 8 0
                                    

[Airish]

Ramdam ko parin ang sakit sa paa ko pero iniiwasan ko ang mapa-ngiwi dahil sa katabi ko sasasakyan. Sino ba naman ang gustong makita ng crush nila na distorted ang pagmumukha di ba? Pero di parin talaga ako maka-get over sa pang-fafamilyzoned niya sakin.

"Di ko alam na mahilig ka pala manood ng basketball. Akala ko kasi ayaw mo sa mga varsity ng basketball team natin."Medyo nagulat pa ako nang magsalita si James, di ko namalayan na natahimik pala kami bigla sa loob ng kotse. Masiyado kasi akong na-absorb sa pag-iisip sa sinabi niyang, family daw ako.

Teka... di ba ang future wife ay pwede namang i-consider na as family? Tama! Di dapatako ma-depress. Think positive lang Airish! Fighting!

"Ai? Okay kalang ba?"untag niya nang di ako sumagot.

Perks!

"H-huh? Ah—Oo. Okay lang ako." Nakangiting sagot ko nalang.

"Are you sure?"

Tumango naman ako. "Oo. And regarding sa tanong mo, ngayon lang ako nanood talaga. Kinulit ako nila Jasmine eh."

"Sabiko na nga ba. Di ka naman kasi clumsy sa gamit mo, kaya nagtaka ako nang maiwan mo ang books mo, to think namarami tayong homework."

Bigla akong natigilan saglit sa sinabi niya. Napansin niya 'yon sa akin? Gusto kong mapangiti dahil sa kilig pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Bigla na lang kasi akong hinatak ng mga babaeng 'yon eh." Sabi ko naman, trying to act normal. "Salamat nga pala sapag-kuha ng books ko ha."

Ngumiti naman siya."Wala 'yon. Maliit na bagay lang 'yon compare sa mga ginawa mo para saakin dati."

Napangiti na rin lang ako nang makita sa mga mata niya kung gaano siya ka-sincere nang sabihin 'yon. Di ako makapaniwala na ang simpleng pag-kampi ko sa kanya dati noong mga bata pa kami ay magiging malaki ang epekto sakanya. Di nga ako makapaniwala sa sobrang pagbabago niya eh. Gusto ko naman ang batang Kenken noon, mabait kasi siya at ang cute ng pisngi niya, ang sarap kurutin, bukod pa doon ay para siyang teddy bear na ang sarap yakapin.

Teka... madalas ko nga pala siya yakapin dati!

Perks! Ano nalang ang iisipin niya kapag naalala niya 'yon? Pero bata pa naman kami noon eh, walang malisya.Teka nga, bakit ko ba kasi naalala angmga 'yon ngayon?

Pero, the perks talaga! Naalala niya nga noong unang magkakilala kami 'yon pa kaya?

"Ai, are you sure you're okay? Masakit ba masiyado ang paa mo?"

Di ko namalayan na natahimik nanaman ako dahil sa mga iniisip ko.

"O-Okay lang ako.Di naman masiyadong masakit."

"Medyo tahimik ka kasi ngayon at parang malalim ang iniisip eh." Puna niya.

Kasalanan mo.Gusto ko sanang sabihin, pero siyempre di ko naman sasabihin sa kanya.

"Okay lang talaga ako. Nga pala, di ba dati kang naglalaro ng basketball sa Harrison? Bakit di ka na naglalaro ngayon?" pag-iiba ko na lang ng usapan.

But actually, curious din ako tungkol sa bagay na 'yon. Matagal ko na ring gustong itanong sakanya 'yon, simula pa noong makilala ko ang mga kaibigan niya sa Harrison at malaman na kasama siya sa team nila dati.

"It's because of you, remember? Di naman ata bagay na ang isang nerd na katulad ko ay maglalaro ng basketball."

Napakagat ako sa labi nang marealize ko 'yon. Oo nga pala at nagdisguise siya para lang makilala ko, pero ang epic lang dahil di ko talaga siya agad nakilala.

My MVP Love : FIRST LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon